Thursday , July 25 2024
mindanao

Mindanao dapat bang maging tapunan ng scalawags?!

‘Yan po ay obserbasyon at, in a way, ay hinanakit ng isang taga-Mindanao na  nakahun-tahan natin kamakailan.

Nagtataka umano sila kung bakit sa  Min-danao lagi itinatapon ang mga scalawag na pulis o tiwaling goverment employee.

Noong una nga, akala nila pulis lang ang itatapon sa Mindanao.

Pero pati mga tulisan sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Immigration at Bureau of Customs (BoC) ‘e doon din ibinabato sa Mindanao.

Ayon sa kahuntahan natin, nagkakaroon tuloy ng perception na ang mga taga-Mindanao ay hindi matitinong mamamayan ng bansa dahil lahat ng corrupt at scalawag ay doon itinatapon.

Oo nga naman, hindi nga naman tama ‘yun!

Puwede namang itapon sa ibang malalayong lugar gaya sa Samar, sa Sorsogon, sa Mamburao o sa Marinduque o sa iba pang probinsiya na kulang ang government officials or employees.

Para maging balanse naman daw.

‘Yan daw po ang sentimyento ngayon ng mga taga-Mindanao, Pangulong Digong.

Palagay natin ‘e puwede ninyong ikonsidera ang feedback na ‘yan, Mr. President.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *