Thursday , June 4 2026
knife saksak

Binatilyo pinugutan ng adik na tiyuhin

PINUGUTAN ng adik na tiyuhin ang isang 14-anyos binatilyo kamakalawa sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa ulat mula kay Supt. Wilson Magpili, hepe ng Jose del Monte City Police, kinilala ang biktimang si Je­ric Boyoc, residente ng Brgy. Minuyan Pro­per.

Habang agad naresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Romelito Arroyo, nasa hustong gulang, ng nasabi ring lugar.

Napag-alaman, mismong ang suspek ang nagturo kung saan niya ibinaon ang ulo ng pamangkin.

Nauna rito, natagpuan ng ilang basurero ang katawan ng binatilyo sa dumpsite ng Brgy. Minuyan, na tadtad ng saksak sa katawan.

May nagturo na mismong ang tiyuhin ng biktima ang nagtapon sa katawan kaya agad naaresto ang suspek.

( MICKA BAUTISTA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …