Actor/politician, hiniwalayan ng actress/model nang matalo

HINDI namin alam kung matatawa o maaawa sa actor/politician na natalo sa nakaraang eleksiyon.

Paano’y balitang agad siyang hiniwalayan ng model actress/GF nang hindi ito manalo sa tinatakbong posisyon sa nagdaang eleksiyon.

Kuwento sa amin ng source, super sweet ang dalawa bago mag-eleksiyon. Katunayan, itinakda na ang kanilang pag-iisandibdib kaya naman panay din ang post ng mga picture nila sa Instagram.

Pero kapansin-pansin ang hindi na pag-post ng mga larawan nila sa IG. Ang dahilan? Naghiwalay na raw si actor/politician at ang model actress.

May natuwa naman daw sa paghihiwalay ng dalawa. Ang balitang nabuntis ni actor/politician na kaagad nagtext na puwede na silang magsama dahil sa nangyari.

Tsk… tsk… tsk…

( Hataw News Team )