Saturday , January 29 2022

Sam, umaasang sila na ni Mari Jasmine ang magkakatuluyan

00 fact sheet reggeeNAKARE-RELATE pala si Sam Milby sa papel niyang camp master sa pelikulang Camp Sawi kasama sina Andi Eigenmann, Bela Padilla, Kim Molina, Yassi Pressman, at Arci Munoz produced ng Viva Films at N2 Productions na idinirehe naman ni Irene Villamor mula sa pamamahala ni Binibining Joyce Bernal na mapapanood na sa Agosto 24.

Kuwento ni Sam, “Ako ‘yung camp master, in-charge ng lahat, pati Chef (ako rin).

“The women who’s going thru break-up for them to feel kilig and to feel like they could fall in love with me. It shows that they can move on. I’m not supposed to make them fall in love with me because there’s a rule in Camp Sawi na bawal ma-in love.”

Sa mga babaeng sawi sa pag-ibig, sino ang naging close ni Sam?

“Naging close ko si Arci and Bela, sila ‘yung naging close ko sa story as camp master. But in real life, silang lahat naging close ko, but si Yassi, may eksena lang kami sa movie.

“Sa shoot, wala siya roon, she has a lot of engagement (pumasok na kasi sa ‘PBB’ House) so, pabalik-balik sa Manila tapos babalik sa Bantayan Island (Camp Sawi), so I barely see her at all.

“I was there for only four days din, so siya (Yassi) lang ‘yung wala kaming masyadong time together sa shoot.”kuwento ng aktor.

At kaya naka-relate si Sam sa papel niya sa Camp Sawi ay dahil anim na taon siyang walang karelasyon.

“It took sometime for me and years, I was single for over six years. Break-up was end of 2009 tapos this year is my (may love life na), it’s long time,” pagtatapat ng binata.

Sa tanong kung paano ulit na in love si Sam kay Mari Jasmine Jones, ETC TV host, food blogger, at model na half-Japanese at half-British na ipinanganak sa Tokyo, Japan pero sa Australia lumaki, “Just felt right as simple as that. We have a lot in common also,” kaswal na sabi ng aktor.

Bago pa lang daw ang relasyon nina Sam at Mari Jasmine, “its early pa.”

Nang masawi ba si Sam sa pag-ibig ay pumunta rin siya sa Camp Sawi?

“I had my own way of dealing may heart break, sana nga may Camp Sawi noong time na ‘yun. Buti naman nandoon ‘yung mga kaibigan ko (noong sawi siya) naging ka-close ko si John Prats noong time na ‘yun, siya rin may pinagdaraanan din siya (Shaina Magdayao), we became one person who get through that heartbreak.

“Kaya nga while isinu-shoot ang movie, bakit walang Camp Sawi in real life? Para puwedeng pumunta roon ang boys and girls,” katwiran ng aktor.

Dalawang beses na raw nakaramdam si Sam ng matinding break-up,

“I would say two big break ups talaga that would really crushed me quiet a thing.”

Tinanong namin kung sino ‘yung una dahil obvious naman na si Anne Curtis ‘yung huli.

“High school, kasi four years din kami niyon,” sabi ng aktor.

Sa tanong kung sino ang nakipaghiwalay, “high school girlfriend, may mga few times kasi na nag-break, ‘yung last medyo same but the one really really hurts, it was her,” kuwento ni Sam.

At sa kanila ni Anne ay ang TV host/actress din daw ang nakipaghiwalay.

Sa tanong kung ano ang naging dahilan at finally ay umamin na siya na may girlfriend siya na rati sabi niya ay ayaw na niyang magsabi dahil gusto niya na pribado ang personal niyang buhay.

“Yeah, well, it’s obvious naman na lumalabas kami, we’re seen in public places all the time, it’s an open thing so bakit kailangang i-deny. Actually, I wanted to share it before, I wanted to tell you guys about it, but private person siya (mari Jasmine). And I really respect that about her and it’s not really sharing about the relationship, but sharing about the relationship and is not about the details, parang ganoon,” esplika ng aktor.

Alam daw ni Mari Jasmine na aamin si Sam tungkol sa relasyon nila, “yes, I wanted to make sure na okay din sa kanya siyempre, kung hindi okay sa kanya hindi ko aaminin.”

Sa tanong kung hindi kaya ma-trauma ang girlfriend niyang hindi showbiz, “and that’s why pagdating sa mga detalye ng relasyon namin, ayaw naming i-share.”

Tinanong namin kung nagbabasa si Mari Jasmine ng mga isyu sa social media at pahayagan, “yes, she read naman issues at hindi naman siya naniniwala, kasi alam niyang medyo (fabricated) ‘yung iba, alam niya na ganoon ang showbiz.”

Paano naman sila nagkakilala ni Mari Jasmine, “other say we met thru social media,” saad ng binata.

Si Sam daw ang unang nag-follow kay Mari Jasmine sa Twitter at eventually sa Instagram na hindi na lang ikinuwento ng aktor na panay ang likes niya sa post ng dalaga at vice versa.

“Ako ang nauna, may common friends kami but it’s funny kasi matagal na siya sa Pilipinas, pero never kaming nagkita, sa event or anything, wala,” natawang kuwento ni Sam.

Kaya naman panay ang pasalamat niya sa social media, “thank you to twitter, thank you instagram, ha, ha, ha” natatawang sabi ni Samuel.

Isang food blogger si Mari Jasmine kaya marunong din siyang magluto kaya tinanong si Sam kung anong niluluto ng dalaga ang gustong-gusto niya.

“Hmm, favorite dish?” at sabay bulong ng binata na narinig naman sa recorder, (ayokong i-share, kahit ganoong detalye ayaw ko) pero wala siyang magawa dahil sumagot din siya.

“Kasi ganoon siya (Mari Jasmine), whatever in terms of details, she’s putting on a social media (hindi detalyado),” say ng binata.

Nasabi ring, “she makes really good coconut milk, home made coconut milk, grilled salmon.”

Samantala, ilang beses ng sinasabi ni Sam na kapag tumuntong siya ng 35 ay gusto na niyang mag-asawa at ngayong 32 na ang aktor ay hoping siya na si Mari Jasmine (27) na ang gusto niyang makatuluyan.

“I’ll never get into relationship naman kung wala akong nakikitang future,” saad niya.

Kaya biro namin na pagkalipas ng tatlong taon ay 30 na si Mari Jasmine at puwede na niyang yayain, “sana, I hope so,” sambit ng aktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Baguhang poging male star nakatanggap ng malaking offer kay dirty old rich gay

HATAWANni Ed de Leon AKALA namin ay hindi bibigay at talagang matino ang isang baguhang poging …

Gladys Reyes Christopher Rojas

Gladys at Christopher dapat tularan (30 taon ng kasal)

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN mo 30 years na palang kasal sina Gladys Reyes at Christopher Rojas. Teenager …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

Leni Robredo Boy Abunda

Sa interbyu kay Boy Abunda
VP Leni pinuri sa malinaw at matibay niyang plano para sa bansa

UMANI ng papuri si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang artista sa pagprisinta …

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

Leave a Reply