Ang Zodiac Mo (Aug 16, 2016)

Aries  (April 18-May 13) Ang iyong good energy ay sapat lamang para sa mga bagay na gagawin kasama ng mga kaibigan pamilya at mga magulang.

Taurus  (May 13-June 21) Higit mong kailangan ngayon ang iyong mga alyado, kaya siguraduhing naihanda mo ang bawa’t isa para sa ano mang mangyayari.

Gemini  (June 21-July 20) Panatilihing light and breezy ang iyong mood ngayon – marami kang dapat harapin.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Patuloy mong isinusulong ang sarili para sa tagumpay, at matitiyak na mas magiging maayos pa ang mga bagay.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Ang big prize ay natamo mo na rin. Ganito mo man ito inaasahan o hindi, ramdam mong ikaw ay vindicated.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Mahihirapan kang makisabay sa pagdaloy ng aktibidad ngayon – ngunit hindi dahil sa ikaw ay hindi organisado.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Asahan ang ilang mga katanungan ngayong araw mula sa mga kasama, kustomer at mga kaibigan.

Scorpio  (Nov. 23-29) Maaaring maramdaman mong para kang tumama sa pader sa iyong career path, ngunit hindi ka dapat sumuko.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Ikaw ay puno ng bagong creative energy – asahan ang inspirasyon sa buong araw.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Higit na mahirap pakiharapan ngayon ang mga tao, ngunit hindi mo dapat ipangamba ang long-term implications.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Sabihin sa isang tao na bagay sa kanya ang kanyang gupit.  Higit na fluid ngayon ang iyong mga ideya.

Pisces  (March 11-April 18) Palaging magmantina ng istriktong plano sa iyong financial affairs dahil mahina ang iyong accounting skills.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ikaw ay epektibo sa pakikiharap sa mga tao – kliyente, kustomer – dahil ikaw ay may well-developed understanding ng human nature.

ni Lady Dee