A Dyok A Day: Obese si mama

LIMANG batang babae ang nagkukuwentohan tungkol sa matataba nilang nanay:

GIRL 1: ‘Yung mama ko grabe, nagtimbang sa Mercury Drug, pag-apak na pag-apak niya sa timbangan, biglang sumigaw ‘yung electronic scale, “You’re so fat!”

GIRL 2: ‘Yung tatay ko nagrereklamo sa katabaan ng nanay ko. Aba, kinuhaan namin ng picture last Christmas. Ipina-print namin, pero sa sobrang laki, hanggang ngayon hindi pa tapos mag-print.

GIRL 3: Wala ‘yan sa mommy ko. Umakyat sa weighing scale, aba biglang nagsalita ang weighing scale: “Timbang lang ang kinukuha ko hindi telephone number.”

GIRL 4: ‘E ‘yung mama ko nga no’ng maligo sa beach, sinabayan siya ng balyena tapos kumanta: “We are family, even though you’re fatter than me.”

GIRL 5: Wala lahat ‘yang nanay ninyo sa nanay ko… humakbang lang ang nanay ko nag-crack agad ‘yung kalsada.