Wednesday , January 26 2022

Andi, napagod na kay Jake, happy na sa new found love

00 SHOWBIZ ms mMASAYA ngayon si Andi Eigenmann dahil nahanap na niya ang bago niyang mamahalin—isang non-showbiz guy. Kaya naman pala maganda ang aura noong Martes sa presscon ng pelikula nilang Camp Sawi  mula sa Viva Films at N2 Productions na idinirehe ni Irene Villamor.

Ayon kay Andi, sobra siyang masaya. “Kasi he noticed me and he wanted to be with me for the person that I wanted to become, for the person that I am.

“’Yun ‘yung tinanggap niya ng buong-buo. Wala akong work noon, eh, wala akong ginagawa. Ni hindi niya nga alam na artista ako noong una niya akong makilala.

“So, I like that I can really be myself as in the person that I really am and that’s what he loves about me,” very open na pagsi-share ni Andi after the q & a.

Bukod sa bagong lovelife, happy din si Andi na sunod-sunod na projects niya. Bukod kasi sa Camp Sawi na mapapanood na sa Agosto 24 at pinagbibidahan din nina Bela Padilla, Arci Munoz, Yassi Pressman, Kim Molina, at Sam Milby, mayroon din siyang serye sa ABS-CBN, ang The Greatest Love na malapit nang magsimula.

Samantala, hindi naman na maalala ni Andi kung gaano nang katagal na  break ni Jake Ejercito.

Aniya, officially ay two years na raw silang hiwalay. “Pero ‘yung hindi officially, hindi ko na nga rin maalala, eh. Kasi, ‘di ba, hiwalay na kami, tapos makikita mo ulit kami together. It’s because just like even if we’re friends, you know at the back of our minds na what we want. . .because umaasa pa kami sa isa’t isa.”

Pero ngayon, hindi na raw siya umaasang magkakabalikan pa sila ni Jake.

“Ngayon, as in ngayon na ngayon, tonight, wala. Well, kaya nga ako naging okay, kasi natuto na akong tanggapin na baka kahit siya pa ‘yung greatest love ko, hindi ibig sabihin na he’s the one that I meant to be spending the rest of my life with. Kasi nahirapan (ako). Napagod na rin ako.”

Ukol naman sa pagpasok ni Jake sa showbiz, aniya, hindi niya ito in-expect dahil ang alam niya, noon pa ay ayaw mag-artista ng binata.

“Lagi niyang sinasabi na ayaw niya. At medyo nag-uusap pa kami noong panahon ng Aldub, alam niyang masasaktan ako kapag ginawa (ang mag-artista) ‘yun.

“Masasaktan ako because, for the four years of five years that we were together, all he did was deny me and make sure that he would have nothing to do with me. But with a loveteam na siya lang ‘yung triangle, ‘go, game ako (Jake)’.

“Pero sa akin, he’d never wanted to be associated with me, if anything, just to save face, he would say negative things about me para lang mapatunayan sa mga tao na hindi niya gusto, ‘di ba? Parang pinandirihan niya ako, eh.

“Habang ako, isinisigaw ko sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal, pero siya, sa ibang loveteam, kahit third party lang, game siya, papayag siya. Parang ang pangit-pangit ko, ganoon ‘yung pakiramdam.”

Sinabi pa ni Andi na alam ni Jake na napi-feel niya ito.

“Alam niya. Kaya nga ginawa niya pa rin, eh, kasi ang gusto lang yata niya sa buhay niya ay saktan ako. Noon ‘yun. Hindi na ngayon, okay na ako,” sambit pa ni Andi na nakatutuwang masayang nakikipag-usap sa entertainment press.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Seth Fedelin Francine Diaz

Papa O ibinuking daks na alaga ni Seth

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang YouTube video kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, sinabi ni Ogie Diaz na nakarating …

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Leave a Reply