A Dyok a Day: Hindi baleng may multa

SA unang araw sa isang kolehiyo, nagsalita ang Dean sa harap ng maraming estudyante:

DEAN: Ang female dormitory ay bawal sa mga lalaking estudyante at ganoon din naman ang male dormitory sa mga babaeng estudyante. Undestand?

STUDENTS: Yes Sir!

DEAN: Sino man ang mahuli na lumabag sa unang pagkakataon ay magmumulta ng P100. Sa ikalawang pagkakataon, ay P200. At sa ikatlong pagkakataon ay P300…may tanong pa ba?

MALE STUDENT: Sir, magkano po ang season pass?