SUGATAN ang dalawa katao kabilang ang isang 13-anyos binatilyo na sinasabing tulak ng ilegal na droga nang tamaan ng bala makaraan tangkang agawin ng isa sa kanila ang baril ng pulis sa isinagawang “Oplan Tokhang” ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa hita ang 13-anyos out of school youth, at si Romulo Yanzon, 31, kapwa ng BMBA Compd., Brgy. 118, 3rd Avenue, tinamaan din ng bala sa hita.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Noel Gregorio, dakong 3:30 pm nagpatupad ng “Oplan Tokhang” ang mga tauhan ng SAID-SOTG at PCP-1 sa BMBA Compd. na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek.
Nakuha sa binatilyo ang apat sachet ng shabu habang isang sachet NG shabu at kalibre .22 na kargado ng limang bala ang nakuha kay Yanzon.
Pagkaraan ay biglang sinunggaban ni Yanzon ang service firearm ni PO1 Pedrozo hanggang sa pumutok at tinamaan ang dalawang suspek sa kanilang hita.
( ROMMEL SALES )
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com