Wednesday , September 27 2023

Xian, magbabalik-MMK

PILOT of the airwaves. ‘Yun ang pangarap ng Sabado (August 6, 2016) sa Kapamilya.

Si Xian Lim sa kanyang pagbabalik sa MMK ang gaganap sa katauhan ni Raymond na lumaking nakadikit ang tenga sa radyo sa kanilang bayan sa Sultan Kudarat. At doon nabuo ang pangarap niya na maging isang radio personality sa kabila ng mga dinaramdam sa katawan.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon siya ng sakit na leukemia sa murang edad. Sa tulong ng kanyang ina na si Erlinda (Lara Quigaman), bumuti ang lagay ni Raymond ngunit umpisa pa lang pala ito ng mga kailangan niyang harapin na kondisyong medikal.

Binata na si Raymond nang nakakuha siya ng pagkakataong maging radio DJ sa isang estasyon na dalawang oras ang layo sa kanilang bahay at tuwing 4:00 a.m. ang kanyang shift o programa. Nag-aaral pa siya noong mga panahon na iyon at dahil sa dagdag na bigat ng trabaho ay bumagsak ang bilang ng kanyang mga white blood cell. Dahil sa matinding pag-aalala ay pinahinto ni Erlinda si Raymond na magtrabaho hanggang siya ay hindi pa nakatatapos sa pag-aral.

Ito na ba ang katapusan ng mga pangarap ni Raymond? Ipipilit niya pa rin bang magtrabaho sa radyo o mas pipiliin niyang pangalagaan ang kanyang kalusugan?

Kasama sa August 6 episode ng MMK sina William Lorenzo, Bugoy Cariño, John Vincent Servilla, Angelo Alayon, Maggie dela Riva, at Gigi Locsin. Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Raz dela Torre at panulat nina Joan Habanaat Arah Jell Badayos.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas maganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Huwag din itong palampasin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa  iwantv.com.ph  o skyondemand.com.ph  para sa Sky subscribers.

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Erin Ocampo

Erin Ocampo handang makipagsabayan sa paghuhubad sa pelikula

MATABILni John Fontanilla AFTER 14 years sa showbiz, napapayag na ring magpa-sexy sa pelikula si Erin …

Joshua Garcia Emilienne Vigier

Joshua sa karelasyong French-Filipino athlete — ‘di ko siya idine-deny ayaw lang namin i-share

MA at PAni Rommel Placente SA isang inteview ni Joshua Garcia ay tinanong siya tungkol sa nababalitang …

Ysabel Ortega Sophia Senoron Elle Villanueva

Ysabel, Sophia, at Elle sa negosyo naman makikipagbakbakan

RATED Rni Rommel Gonzales NAKATUTUWA na ang mga kabataan natin ngayon ay mga business-minded at …

Miggy San Pablo UPGRADE

Miggy San Pablo ng UPGRADE pinasok ang politika

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging miyembro ng sumikat na boyband sa bansa, ang Upgrade, pinasok …

Joel Cruz

Joel Cruz nagpasaklolo sa NBI 

MATABILni John Fontanilla DUMULOG sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyante at may-ari ng isang brand …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *