Wednesday , June 19 2024

Probe vs extra-judicial killings OK sa Palasyo

080316 de lima senate drugs
IBINULALAS ni Senator Leila De Lima sa kanyang privilege speech sa Senado ang sama ng loob kaugnay sa pagdawit sa kanyang pangalan sa mga drug lord sa bansa at iginiit na itigil ang hindi makataong pagpatay sa mga drug pusher dahil mayroong umiiral na batas para sa nararapat na parusa sa mga nagkasala. ( JERRY SABINO )

WALANG balak ang Malacañang maging si Pangulong Rodrigo Duterte, na patulan pa si Sen. Leila de Lima.

Magugunitang sa privilege speech ni De Lima sa Senado, isinulong niya ang imbestigasyon sa extra-judicial killings sa sinasabing drug personalities at tahasang isinisisi sa Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang nila ang karapatan ni De Lima at pagiging independent ng mga senador.

Ayon kay Abella, suportado rin nila ang binabalak na imbestigasyon sa drug pushers killing.

Maging si Pangulong Duterte ay interesado rin tutukan ang alegasyong pag-abuso ng mga pulis at reklamo ng mga kaanak ng mga napatay sa illegal drugs operations.

Ngunit ngayon, naniniwala si Pangulong Duterte na regular ang ginagawa ng mga pulis at palagi silang nakikipag-ugnayan sa kanilang mga opisyal.

About hataw tabloid

Check Also

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

NAG-ALOK ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng scholarship sa 145 Navoteño elementary at high school …

TiboQC Federation Pride March QC Joy Belmonte

300 miyembro ng TiboQC lalahok sa Pride Month

MAHIGIT 300 miyembro ng TiboQC Federation ang inaasahang lalahok sa Pride March sa lungsod sa …

Lunod, Drown

Naligo sa ulan 
8-ANYOS TOTOY PATAY SA CREEK

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ng mga rescuer ang katawan ng isang batang lalaki na …

dead gun police

Mangingisda patay sa pamamaril

PATAY ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng karagatan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *