Saturday , July 27 2024

Filipinas ‘di Pilipinas – Almario (Ituwid ang kasaysayan)

BAGUIO CITY – Walang binabago sa baybay ng Filipinas kundi ibinabalik ang dati at sinusunod ang batas na ginawa noong 1987 sa bagong alpabetong Filipino.

Ito ang buod ng pahayag ng Tagapangulo ng  Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at pambansang alagad ng sining na si Ginoong Virgilio Almario, bilang paglilinaw sa sinasabing pagbabago ng spelling ng ‘Filipinas’ sa pagbubukas ng unang Pambansang Kongreso sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa Teacher’s Camp, Baguio City kahapon.

Mula sa nakagawiang Pilipinas, layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na maibalik sa orihinal nitong ispeling ang pangalan ng bansa.

Ani Almario, ang Pilipinas ay ibinatay sa lumang alpabeto ng bansa, ang Abakada, na inalis sa sistema noong 1987.

Filipinas ang tunay na pangalan ng bansa, ayon kay Almario, dahil Las Islas Filipinas ang ipinangalan ng mga Kastila noong ika-14 siglo.

Dagdag ni Almario, ang Filipinas ay nakabatay sa makabagong alpabeto ng Filipino na binubuo ng 28 titik. Giit niya, ang mga titik na F at V ay ilan sa mga letrang dati nang ginagamit ng mga katutubong tulad ng Mëranaw at Ivatan.

Suportado rin ng mga katutubo ang “Filipinas” sapagkat gusto nilang makilahok sa “nation-building.”

Upang maiwasan ang pagkalito, Filipino ang opisyal na itatawag sa mga Pilipino, babae man o lalaki, at ang Filipinas ang tanging gagamiting pantawag sa bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *