Tuesday , July 5 2022

Ex-parak dedo sa enkwentro (Sangkot sa gun running, drugs)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang dating pulis makaraan makipagbarilan sa mga pulis kamakalawa sa anti-drug operation sa Mariveles, Bataan kamakalawa.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang suspek na si Alpasel Hamsa y Sulaiman, natanggal sa pagkapulis, sinasabing sangkot sa pagtutulak ng droga at pagbebenta ng baril, residente ng Brgy. Camaya, Mariveles ng nasabing lalawigan.

 ( RAUL SUSCANO )

2 DRUG USERS PATAY SA BOGA

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang dalawang drug user makaraan barilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Iligan City kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Ramon Gabor at Joel Saballe, residente ng magkaibang barangay sa lungsod.

Si Gabor, sinasabing matagal nang huminto sa paggamit ng droga, ay binaril nang malapitan ng mga suspek na nakamaskara.

Hirap din ang pamilya ni Saballe na makilala ang limang suspek na bumaril sa biktima dahil nakasuot ng bonnet ang mga suspek.

TULAK KUMASA SA PARAK, TIGBAK

LAOAG CITY – Agad binawian ng buhay ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation sa isang apartment building sa Brgy. 7-B sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang drug suspect na si Roel Andres, alyas Yalip, kabilang sa mga minamanmanan ng mga awtoridad dahil sa kanyang ilegal na aktibidad.

About Raul Suscano

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply