Saturday , July 27 2024

Koreano nagbigti sa NAIA

ISANG Koreano ang natagpuang nakabigti sa door hook ng cubicle no. 2 sa comfort room ng Exclusion Room ng NAIA Terminal 3 dakong 7:28 pm kamakalawa.

Ayon sa ulat, natagpuan ng janitress on duty na si Michelle N. Ocampi ang bangkay ng biktimang si An San Kwan, 50, male Korean national, kabilang sa pasahero ng flight 5J 311 (Taipei-Manila).

Bunsod nito, agad ipinaalam ni Ocampi ang insidente kay Operation Assistant Leonardo Cerezo, Jr., on-duty sa Exclusion room.

Napag-alaman, nagbigti ang biktima gamit ang bag strap sa door hook ng cubicle no. 2 habang nakaupo sa sahig.

Agad nagtungo sa lugar sina GM Ed Monreal at TM-T3 Ric Medalla upang pangasiwaan ang imbestigasyon sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *