Monday , June 24 2024

Coco Martin, patuloy sa paghataw bilang Primetime King

00 Alam mo na NoniePATULOY pa rin sa pagiging Primetime King ang award-winning actor na si Coco Martin. Kahit nagsimula na ang Encantadia ng GMA-7 last Monday, hindi natinag ang lakas ng TV series na Ang Probinsyano ng Kapamilya Network.

Sadyang  inabangan pa rin ng madla ang programa ni Coco at kinapitan ng buong bansa ang naudlot na kasiyahan ng kaarawan ng lolo ni Cardo (Coco) na si Delfin (Jaime Fabregas) matapos itong ba-rilin ng hitman na si Hector (Cesar Montano) kaya naman nakapagtala ito ng national TV rating na 42.4%, ayon sa Kantar Media. Mas mataas ito kompara sa katapat nitong programa sa Siyete na Encantadia na nakakuha lamang ng 21% sa una nitong episode.

Hindi rin naman nagpahuli ang netizens na tinutukan ang maaksyong eksena ng serye, dahilan para maging kabilang sa listahan ng trending topics sa microblogging site na Twitter ang official hashtag na #FPJAPUltimatum. Lubos na papuri ang ibinahagi ng netizens sa galing ng bidang si Coco at sa buong cast. Ipinamalas din nila ang kanilang paghanga sa mga eksenang mala-pelikula ang kalibre.

Mula nga nang magsimulang umere ang palabas sa telebisyon, ipinakita ng FPJ’s Ang Probinsyano ang kahalagahan ng kapakanan ng pa-milya at pagkakaroon ng matinding pagmamahal para sa bayan sa bawat episode. Dahil dito, pa-tuloy ang pagsubaybay ng mga manonood sa kuwento nitong napapanahon at sumasalamin sa buhay ng pamilyang Filipino.

Masasabing naka-jackpot talaga ang ABS CBN sa TV series na pinagbibidahan ni Coco. Kasi, hindi lang ito para sa mga barako o kalalakihan, kundi maging sa mga kababaihan, mga bata, at iba pa. Maraming pulis ang alam kong tumututok dito at nagiging inspirasyon ang papel dito ni Coco, bilang isang matapat at magiting na alagad ng batas.

Ang mga kalalakihan ay tinututukan ito dahil sa mga matitinding action scenes, ang mga kababaihan ay dahil sa aspetong drama ng seryeng ito, plus Coco of course and Ms. Susan Roces. Sa mga bata naman, bukod kina Xymon Ezekiel Pineda na kilala roon bilang Onyok, kuwelang-kuwela rin sa viewers si McNeal ‘Awra’ Briguela. Siyempre pa, ang dakilang side kick dito ni Coco na si Benny (Pepe Herrera) ay kinagigiliwan din ng maraming viewers, kasama na ako. Si Arjo Atayde naman, hindi man eksaktong kinagigiliwan ng manoood, lagi namang nagpapakita ng magaling na performance sa seryeng ito. Kaya hindi nakapagtatakang manatili ang Ang Probinsyano bilang numero uno sa primtime slot.

Anyway, sa pagtuloy na pagganda at exci-ting ng plot nito, sure ako na mas lalong tututok ang madla sa seryeng ito. Abangan ang susunod na kabanata…

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *