Monday , June 24 2024

Binatilyo sugatan sa sumpak

SUGATAN ang isang 17-anyos binatilyo makaraan barilin sa likod ng sumpak ng apat hindi nakilalang mga lalaki sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Angelo Masicampo, ng Gate 7, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng apat na mga suspek na mabilis na nakatakas.

Ayon sa pulisya, dakong 9 p.m. nang maganap ang insidente sa Gate 7, Parola Compound.

Ayon sa kaibigan ng biktima na si Ronel Roco, 16, sila ay nakatayo habang nagkukuwentuhan sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang apat na mga lalaki.

Pagkaraan ay bumunot ng sumpak ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang biktima sa likod.

Makaraan ang insidente, mabilis na tumakas ang mga salarin.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Kimbee Yabut )

About Leonard Basilio

Check Also

knife saksak

Sinaksak ni Tibo
WAREHOUSE STAFF, SUGATAN

GRABENG nasugatan ang isang warehouse staff matapos saksakin ng kapitbahay na babae na kanyang nakatalo …

dead gun police

Robbery suspect patay 2 pulis grabeng sugatan

PATAY ang isang robbery suspect habang dalawang pulis ang sugatan sa isang enkuwentro sa lungsod …

airplane

Sex convict nagtangkang pumasok sa PH huli ng BI

MULING NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport …

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *