Thursday , June 13 2024

Batang aktres, yumaman dahil sa AIM Global

00 fact sheet reggeeMALAKING bagay ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas o ng mga bagong negosyo sa ating bansa para sa ating singers o performers dahil sila ang iniimbitahan tuwing nagdiriwang ang mga ito ng kanilang tagumpay.

Isa sa may pinakamalaking market ngayon ang mga produkto sa pangangalaga sa kalusugan. Marami ang naglalabasang supplements ngayon bilang karagdagang proteksiyon para makaiwas sa mga sakit na dulot ng ating modernong pamumuhay o lifestyle. Laging ipinaaalala na hindi ito gamot para magpagaling ng karamdaman kundi for prevention talaga, kaya marami ang bumibili at umiinom ng mga ito.

Isa sa pinakamalakas ngayon sa larangan ng multi-level marketing ay ang Alliance In Motion Global Inc. (AIM Global) na nagdiriwang ng kanilang ika-10 taon sa industriya.

Kuwento ng talent coordinator na aming nakausap ay umabot sa P12-M ang ginastos ng AIM Global sa concert pa lamang na kanilang isinagawa sa Philippine Arena. Ang nakatutuwa, pawang local o OPM singers ang kanilang kinuha.

Pero hindi lang performers ang nakikinabang sa malakas na sales ng AIM Global products, dahil karamihan sa mga taga-showbiz ay aktibo na rin sa pamamahagi ng iba’t ibang produkto nito tulad ng 24/7 natural ceuticals anti-oxidant; Complete Phyto-Energizer; Restolyf; Choleduz (source of Omega 3 fatty acids); Vida Maxx (cardiovascular food supplement); My Choco (premium chocolate beverages); Alkaline coffee; Whitelight Glutathione; NaturaCentals Herbal Toothpaste; NaturaCentals Cleansing & Whitening Bar; Nature Feminine Wash, at marami pang iba na puwedeng ma-check sa website.

Isa sa mga naririnig naming naging nagkaroon ng big success sa AIM Global ang dating child actress sa ABS-CBN na si Ani Pearl Aquino.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang website na www.AllianceInMotion.com at maaari ring i-like ang kanilang Facebook page www.fb.com/AIMGLOBALOFFICIALPAGE.

Tatlong araw na isinagawa ang pagdiriwang ng 10th anniversary ng Alliance in Motion Global na may temang A Decade of Passion, Service, and Excellencenoong Mayo 27–30, sa Cuneta Astrodome, Philippine Arena at Solaire Hotel.

Dinayo ang nasabing anibersaryo ng mga miyembro galing sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at mundo, tulad ng Asia, Middle East, Europe, at United states. Ito ay inumpisahan ng launching ng kanilang AIMcademy—isang buong araw na training na ang layon ay Product Awareness and Presentations.

Ang mga trainor ay pinangunahan ng mga Top Executives ng AIM Global, sa pangunguna nina Dr. Ed Cabantog(CEO), Engr. Francis Miguel (CFO), at Mr. John Aspirin(CMO), kasama ang dalawang Vice Presidents na sinaArnel Limpin at Jurgen Gonzales at ang kanilang medical consultant na Dr. Butch Aspirin. Kabilang din sa mga naging tagapagsalita ang itinituring na eksperto sa larangan ng multi- level marketing na si Mr. Art Jonak na sinusugan naman ng iba pang banyagang panauhing tagapagsalita na sina Mr. Dean Moris (Nature’s Way Master Herbalist), Mr. Bill Robbs (Weider Global Nutrition), Dr. James Bauly (DSM Nutritional Product), atDr. Rudy Simons (Frutarom Switzerland).

Ang ikalawang araw ng selebrasyon ay isinagawa sa Philippine Arena sa Bulacan, na dinaluhan ng libo-libong mga miyembro ng AIM Global. Tuwang-tuwa ang lahat dahil nagtanghal para sa kanila ang sikat na performers sa bansa.

Unang bumulaga sa stage si Ely Buendia para sa pre-event show na siyempre sinabayan sa pagkanta ng audience.

Sumunod si KZ Tandingan na kumanta rin ng mga pinasikat niyang awitin. Nanatiling buhay at punumpuno ng energy ang buong lugar nang mag-perform din siBamboo ng kanyang hit songs.

Natapos ang pagtatanghal na bitin pa rin ang mga miyembro dahil sa kanilang ”more, more, more” pero sobra talaga ang kanilang kasiyahan.

Nang gabing iyon, naganap din ang pagpapakilala, presentasyon, at grand parade ng mga delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo, AIM Global Speakers Bureau, Top Leaders, International Speakers at VIPs.

Kasunod nito ang pagpapatotoo at testimonya ng New Millionaires gayundin ng Global Ambassadors.

071216 alive foundation
Sa gitna ng walang humpay na kasiyahang dulot ng pagdiriwang ay muling nasorpresa ang lahat nang biglang i-announce ang pagkakaloob ng US$30,000 donasyon mula sa Nature’s Way at Natural Life Asia, para sa ALIVE Foundation na pinamumunuan ni Dra. Connie Cabantogng AIM Global, na mahigit 30,000 pamilya na ang nakatanggap ng tulong pinansiyal at medikal mula nang itatag ito noong 2008.

Pero isa pang sorpresa ang in-announce dahil nagbigay din ng US$10,000 na donasyon para sa naturang foundation ang Weider Global Nutrition.

Winakasan ang ikalawang araw ng selebrasyon sa pamamagitan ng pamimigay ng tatlong bagong kotse sa ginanap na raffle draw.

Sa ikatlo at huling araw naman ng grand celebration, muling naghandog ang AIM Global ng eksklusibong prestihiyosong black-tie event sa grand ballroom ng Solaire Hotel Resort and Casino. Nagtanghal din ang talentado at magandang si Julie Ann San Jose.

Isang marangyang gala night ang nasabing pagtitipon na dinaluhan ng humigit-kumulang isang libo katao bilang pasasalamat ng pamunuan sa kanilang nakamtang tagumpay at katatagan sa loob ng 10 taon sa larangan ng pagnenegosyo na kanilang kinabibilangan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kapuso Fans Day Independence

Kapuso stars lilibutin ang ‘Pinas sa Araw ng Kalayaan

RATED Rni Rommel Gonzales TIYAK na memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Alden Richards Miss Universe MUPH

Alden ‘di raw pwedeng maging voice talent ng Waze

HATAWANni Ed de Leon NATAWA kami sa isang video sa social media. Hindi raw dapat …

Richard Gomez Lucy Torres

Richard nawala nga ba kagwapuhan at ningning nang pumasok sa politika?

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin ng comment ng dating kasamahang si Ronald Carballo na …

The EDDYS

7th EDDYS sa July 7 na; delayed telecast sa ALLTV sa July 14

MAS maningning at kaabang-abang ang The 7th EDDYS awards night ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *