Wednesday , July 17 2024

Direk Andoy, ipinasampal kay Daria Ramirez

00 fact sheet reggeeSumunod si direk Andoy Ranay na nakasama niya sa UST at matagal ng kaibigan.

“Matagal na ang friendship namin ni direk Wenn, noong nasa UST pa lang ako, naging co-actor ko siya tapos, ayaw niya sa akin kasi hindi raw ako marunong mag-peke ng suntok. Kasi lagi ko siyang nasusuntok sa tiyan niya, may eksena kasing sasapakin ko siya, eh, sinasapak ko talaga siya ng totoo.

“Eh, siyempre, bata pa ako noon, hindi pa ako marunong mag-fake, sabi niya sa akin, ‘alam mo ayoko kitang ka-eksena kasi nananapak ka, roon ka na lang sa iba, sana hindi na kita makasama ulit sa eksena.’ Siyempre, dinamdam ko ‘yun, parang ganoon ayaw mo sa akin.

“Pero after niyon, kinuha naman niya akong artista sa ‘Maibabalik Ko Lang’, sasampalin naman ako ni Daria Ramirez, so parang ‘yun ang ganti niya, roon niya ginawa na kailangang ma-print sa camera, ‘di ba tarantada? (tawa ng tawang sabi ni direk Andoy).

“Pero kung hindi dahil kay direk Wenn, wala ako rito ngayon, sa guidance na ibinigay niya sa akin, sa lahat ng lessons na itinuro niya sa akin habang AD (assistant director) niya ako at unang AD niyang regular simula sa ‘Mula Sa Puso’ (serye) hindi ko siya makalilimutan, forever. Sa totoo lang hindi ko pa tapos basahin ‘yung libro kasi mahirap basahin kapag kilala mo ‘yung taong nagsulat tapos wala na siya, hindi mo na makakasama forever, pero alam ko sa puso ko, sa isip ko, sa buong pagkatao ko siya, mahal kita direk Wenn,” say ni direk Andoy.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …

cyber libel Computer Posas Court

Batas laban sa Cyber Crime malabnaw

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin sa isang video na napanood sa programa …

James Reid Liza Soberano

James inihayag Liza maraming nakalinyang projects

MA at PAni Rommel Placente MALAKI raw ang posibilidad na gumawa ng pelikula sina James Reid at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *