Yeng, nakipag-duet sa isang salesman

Posted by

VIRAL  ngayon ang video ni Yeng Constantino na nakipagduet siya sa isang salesman sa isang mall habang naghahanap siya ng mabibiling sing-along.

Kumakanta ang salesman para ma-test ang tunog ng biniling sing-along ni Yeng. Isang Michael  Learns To Rock song ang binanatan ng salesman,  na nakipag-duet si Yeng kaya ang resulta, isang napakagandang blending.

‘Di lang isa kundi dalawa ang kanilang kinanta.

Nang malaman na si Yeng pala ang nakipag-duet sa salesman, dumagsa ang mga tao.

Ang gest ng kuwento, kahit sikat na si Yeng bilang singer bumaba ito para maabot ang masa, upang makipag-jam.

MAKATAS – Timmy Basil