This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ANG bagong Commissioner ng Bureau of Customs na si Capt. NICK FAELDON dating marine officer ay uupo na at bitbit ang pagbabago sa sistema at kalakaran sa ahensiyang ito.
Babaguhin ang masamang imahe nito, malalaman natin ang kanyang kakayahan to run the BOC and eradicate graft and corruption.
May warning na agad si President DIGONG sa mga tulisan sa customs na huminto na sa kanilang maling gawain, nag-enjoy at nagpayaman na kayo kaya tulungan naman ninyo na mabago ang sistema sa Customs.
Ngayon pa lang ay dinagsa tayo ng mga TEXT message laban sa mga taga-customs sa kanilang mga kayamanan at negosyo na masasabing may conflict of interest.
For sure, marami sa inyo ang maaaring ireklamo at isumbong sa pag-upo ni Comm. Nick Faeldon.
Ang mga importer, players at ang kanilang mga financier ay nasa wait and see mode pa kung ano ba ang plano o sistema ng bagong administration.
Magkakaroon ba ng bagong bench marking scheme sa buwis na dapat bayaran?