Saturday , July 13 2024

Launching movie ng Aldub suportado ni Bossing at EB Dabarkads (Bulaga no. 1 noontime show sa Mega Manila)

SI Bossing Vic Sotto ang naglapat ng musika ng awiting “Imagine You And Me” na kinanta ni Maine Mendoza bilang theme song ng launching movie nila ni Alden Richards na may parehong titulo na palabas na sa mga sinehan sa buong bansa simula July 13 sa direksyon ni Mike Tuviera.

Marami ang nagkagusto sa song, na bagay na bagay sa romantic movie ng AlDub na majority ng eksena ay kinuhaan sa Italy at in fairness mala-Hollywood movie ang dating ng film.

Para ipakita ang kanilang pagmamahal sa miyembro ng buong EB Dabarkads including Bossing ay all-out ang support sa unang tambalan nina Maine at Alden sa big screen.

Katunayan todo sa pagpo-promote ang lahat sa kanilang noontime show na nananatiling number one sa Mega Manila base sa datos ng AGB Nielsen at maging sa national ay maganda rin ang rating na naitatala araw-araw ng Bulaga dahil sa patok nilang mga segment tulad ng Juan For All, All For Juan, Pinoy Henyo, Hakot Pa More, Lucky Hakot Truck, Lola’s Playlist, Trumpets Challenge at Bulagaan.

Matatag gyud!

Ian, Jodi at Richard certified box office trio
“THE ACHY BREAKY HEARTS” KUMITA NG P14M SA FIRST DAY

Kuwento ng kalapit apartment namin sa Kyusi na nakapanood ng first day noong Miyerkoles ng latest movie offering ng Star Cinema na “The Achy Breaky Hearts,” pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria at Richard Yap, dumating siya sa sinehan sa SM North EDSA, ang haba-haba na ng pila.

Kaya wala siyang choice kundi ang sumabay sa pila dahil excited na ngang mapanood ito. At sulit naman ang kaniyang effort at ibinayad sa sinehan dahil hindi lang siya pinakilig nina Jodi, Ian at Richard kundi pinasaya pa sa very entertaining raw

na movie ng taon na pak na pak sa mga hugot lines at romantic scenes.

Actually balak pa ng kapitbahay namin na panoorin uli ang The Achy Breaky Hearts at this time kasama na niya ang buong pamilya. Rated PG (Parental Guidance) ng MTRCB ang Antoniette Jadaone movie kaya puwede ito sa mga bata basta’t kasama ang magulang o sinomang elders.

Parehong malawak ang fan base ng loveteam nina Jodi at Richard ganoon na rin ang tambalang Jodi at Ian at mukhang lahat sumugod sa paborito nilang sinehan sa buong bansa kaya from 170 cinemas ay tumalon na sa 190 theaters nationwide showing ang The Achy Break Hearts.

Ayon sa Star Cinema ay breakout box office ito sa kinitang P14M sa first day na tinawag nilang Box Office Trio ang lead actors ng movie na sina Ian, Jodi at Richard.

ELNELLA LOVE TEAM NINA ELMO AT JANELLA HIT AGAD SA ‘BORN FOR YOU’

Sa sobrang ganda at ka-inlab-inlab na istorya ng “Born For You,” mula sa 17.1% na rating ng pilot episode

nito noong June 20 ay agad tumalon sa mataas na rating na 21.1% sa national at 24.1% sa metro last June 24 ang musical-drama series na pinagbibidahan ng bagong pinasisikat na loveteam ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na sina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Pinatunayan nina Elmo at Janella na mayroon silang chemistry at majority ng kanilang scenes specially ‘yung mga kinuhaang eksena sa Tokyo, Japan na may kaugnayan sa red string faith na pinaniniwalaan ng maraming hapon ay kinakikiligang panoorin gabi-gabi ng ElNella supporters and viewers.

I’m sure sa ganda ng plot ng kuwento ng BFY,  marami pang mga kasasabikang tagpo at mas lalong dadami ang tutok sa serye na pinagtulungang idirek ng tatlo sa pinakamahuhusay na Kapamilya directors na sina Onat Diaz, Jon Villarin at Rechie Del Carmen.

Samantala, buong pusong nagpapasalamat sina Elmo at Janella sa lahat ng mga tumatangkilik ng kanilang kalulunsad na teleserye na mapanonood sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Dolce Amore ng LizQuen.

Certified hottest loveteam na ang ElNella gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Maxine Medina

Maxine maraming nabago sa katawan simula nang magbuntis 

MATABILni John Fontanilla EXCITED na si Maxine Medina na ipanganak ang first baby nila ng asawang negosyanteng …

Teejay Marquez

Teejay balik- Indonesia nag-endoso ng sikat na hotel 

MATABILni John Fontanilla NAKABALIK na sa bansa si Teejay Marquez na ilang araw na namalagi sa Indonesia …

Lito Lapid Lorna Tolentino

Sen Lito nilinaw tambalan nila ni LT hanggang telebisyon lang 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT si Senador Lito Lapid sa mga manonood ng Batang Quiapo na natutuwa at kinikilig sa …

Lito Lapid Atty DX Lapid

Lito Lapid binigyang halaga ng SPEEd, Icon Awardee sa 7th The EDDYS

KINILALA ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ang naiambag ni Senador Lito Lapid sa industriya ng pelikulang Pilipino sa …

blind item, woman staring naked man

Male celeb at fave clinic attendant may milagrong ginagawa  

I-FLEXni Jun Nardo ORDINARYO na sa mga staff ng isang derm clinic ang pagdating ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *