Arida, halata ang excitement ‘pag nasa Wowowin

HALATANG excited si Ariella Arida kapag nagho-host sa Wowowin. Magaling na siyang mag-host at malambing sa mga follower ng show ni Willie Revillame.

Humahanga si Ariella sa mga contestant ng Will of Fortune dahil very talented sila. Magaling siyang mag-interview sa mga tagahanga kesehodang iba-iba ang antas ng buhay nila.

Sa kabilang banda, naikuwento ni Ariella na hindi siya kumakain ng kambing pero napilitan noong mag-guest sa PopTalk ukol sa mga pagkain kasi ang topic ng show. Pinatikim siya ng kambing at hindi akalaing masasarapan siya.

SHOWBIG – Vir Gonzales