Daragsa ang balimbing sa gobyerno

MAY ilang issues ang kumakalat ngayon sa lugar ng Davao, na pinagmulan nina incoming Philippine President Rodrigo Duterte.

Although bigla raw tumaas ang bilang ng local tourists pati na investors sa kanilang lugar, hindi raw nila akalain na sa loob ng ilang dekada ay ngayon lang nawalan ng mga mabibiling kilalang prutas doon sa Davao.

Alam naman natin na kilala ang Davao pagdating sa Pomelo, Mangoosteen, Durian, Marang at saging.

Pero ngayon daw ay wala nang mabibili kahit saang palengke o talipapa ng mga nabanggit na prutas.

Iisang klase na lang daw ang makikita sa kalye lalo sa mga lugar na malapit sa tirahan ni Presidente Digong. BALIMBING na lang daw ang tanging makikita sa lugar na ‘yan!

Wattafak!?

Siyento-porsiyento sa pagpasok ng Duterte administration, kakalat ang BALIMBING sa kahabaan ng Palasyo de Malacañan.

Agree ba kayo?

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com