Sunday , February 25 2024

Juday, balik-arte sa Kusina

00 fact sheet reggeeSAKTO ang movie project na Kusina na entry sa 2016 Cinemalaya sa Agosto kay Judy Ann Santos dahil mahilig talaga siya sa kusina sa totoong buhay.

Mahilig kasing magluto si Juday na ito rin pala ang magiging karakter niya bilang si Juanita sa pelikula na mahilig ipagluto ang mga mahal niya sa buhay at nangyari lahat sa kusina bukod pa na roon din siya ipinanganak.

Ang Kusina ay isinulat ni Cenon O. Palomares na nanalong grand prize sa nakaraang 56th Don Carlos Palanca Memorial Awards in Literature noong 2006.

Sinadya namin si Budaday sa last shooting day nito sa may Marcos Highway kamakailan para makakuha na rin ng update dahil matagal na rin namin siyang hindi nakakatsikahan.

Kuwento ni Juday tungkol sa Kusina movie, “matagal ng nabinbin ito (project).  Siguro nagtataka ‘yung mga tao kung bakit ang bilis kong bumalik (work) kasi noong si Lucho matagal talaga ako ulit gumawa.

“Naka-commit na talaga ako sa kanila (‘Kusina’ producers/director) two years ago pa, and I don’t want them to feel na hindi ko kayang tuparin ‘yung project. Gusto ko talagang gawin ‘yun project.

“Gusto kong makatrabaho sina direk (Cenon), kasi noong nabasa ko ‘yung script, iba, eh. Nangyari ito sa ‘Kusina’ at saka hindi mahirap intindihin ‘yung story, hindi komplikado na pag-iisipin ka, dadalhin ka lang sa buhay ni Juanita (karakter ni Juday), hindi ka pag-iisipin kung anong nangyari. Basta hindi komplikado (istorya).

“Nakiusap talaga ako na ibigay sa akin itong project, kasi gusto ko talaga siyang gawin. Ang tagal bago ko nagawa kasi two years ago, wala ng mapaglugaran ng schedule, I was working like four times a week, baka naman hindi na ako makilala ng mga anak ko kung gagawin ko pa ang Cinemalaya that time kaya nakiusap ako baka puwede, kaya hinintay nila ako.

“Noong time na magso-shoot na kami, ito ‘yung time na nabuntis naman na ako, so sobrang stretch na stretch na ako puwedeng mag-shoot ngayong June. Sa totoo lang, dapat September pa ako puwedeng bumalik magtrabaho pero wala ng time, so I just had to kasi August na ang Cinemalaya,” mahabang paliwanag ni Juday.

Medyo nagulat nga kami dahil malusog si Budaday nang makita namin at hindi pa nga raw siya masyadong makapag-work out at makapag-diyeta dahil CS (ceasarian section) nang ipanganak ang bunso.

“Ayoko namang mag-diet kasi nagpapa-breastfeed ako, ayoko namang ipagkait sa anak ko ‘yung nutrisyon na dapat, kaya no diet muna. But I do swimming naman, walking at light exercises lang.”

Tinanong namin kung plano pa uli nila ni Ryan magdagdag ng anak ngayong dalawa na ang babae nila at isang lalaki.

“Kung kaya pa at kung God willing, hindi ko masabi. Hindi pa naman ako nag-stop production, eh.

“We’ll see kung ibi-bless kami ni God ng isa pa. Pero kung hindi naman, okey na kami sa tatlo,” say ni Juday.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony …

Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Beauty Gonzales wala ng balak mag-anak pa—Gusto ko rin magpa-bebe

WALA na raw balak mabuntis at magka-anak pang muli ni Beauty Gonzales. Masaya na ito sa nag-iisa …

McCoy de Leon Elisse Joson Felize

McCoy sobrang nasorpresa sa birthday party na inihanda ni Elisse 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang guwapo at mahusay na aktor na si McCoy de Leon sa surprised …

Rhea Tan Beautéderm

Rhea Tan ibinahagi tips sa matagumpay na negosyo

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginawang Chinese New Year at 1st Anniversary ng kanyang seven …

Martin del Rosario Liezel Lopez

Martin del Rosario non-showbiz ang mas feel maging GF

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS pa rin si Martin del Rosario. “Single pa rin, pero nagdi-date …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *