Sunday , February 25 2024

Runner-up ng Miss Universe 2013 na si Ariella Arida bagong babae ni Willie Revillame?

LAMAN ngayon ng blind item na nagkakamabutihan na umano sina Willie Revillame at ang beauty queen na si Ariella Arida.

Nag-start daw ang closeness ng dalawa nang agad silang magkapalagayang-loob dahil madalas silang  magkasama sa show ng komedyante na “Wowowin” sa GMA-7.

Isa co-hosts ni Willie si Ariella.

Ayon pa sa nasabing blind item, sobrang alaga raw ni Willie ang 2013 Miss Universe 3rd Runner-up at madalas niyang isama sa kanyang resthouse sa Tagaytay.

Malaki rin daw ang bigay na TF ng TV host comedian kay Ariella at marami na siyang naire-galong mamahaling bagay sa beauty queen turned TV host. Ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz ay naugnay rin noon kay Willie pero walang kompirmasyon mula sa dalawa na naging mag-on sila.

Si Ariella kaya aamin sa totoong ugnayan nila ngayon ng host ng Wowowin?

Well let’s wait and see na lang gyud!

Pinag-usapan talagasa buong mundo…
“BORN FOR YOU” AGAD NA PINAIBIG ANG TELEVIEWERS PANALO SA TV RATINGS

Patok na patok sa mga manonood ang pag-uumpisa ng kuwento nina Sam (Janella Salvador) at Kevin (Elmo Magalona) kaya naman agad humataw sa ratings ang pilot episode ng pinakabagong primetime series ng ABS-CBN na “Born for You” nitong Lunes (Hunyo 20).

Agad ipinakita ng seryeng pinagbibidahan nina Janella at Elmo ang lakas nito sa primetime at nagtala ng national TV rating na 17.1%, kompara sa katapat na palabas na nakakuha lamang ng 11%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Hindi rin nakapagpigil ang netizens na iparamdam ang kanilang pagkasabik para sa palabas kung kaya naman nag-trend worldwide sa Twitter ang official hashtag ng teleserye na #BFYTheRedString.

Sa unang episode ng teleserye, nakilala ng mga manonood ang masayang pamilya ni Sam kasama ang kanyang mga magulang na sina Cathy (Vina Morales) at Buddy (Bernard Palanca). Ngunit napuno ng kalungkutan ang lahat sa biglaang pagpanaw ng kanilang padre de pamilya matapos nitong habulin si Marge (Ayen Munji Laurel), ang ina ni Kevin at asawa ni Mike (Ariel Rivera), upang bawiin ang kantang “Born for You” na kanyang isinulat para sa kanyang asawa.

Ano nga bang kinabukasan ang naghihintay para kina Cathy at Sam? Malaman pa kaya nila ang totoong kadahilanan ng pagkamatay ni Buddy? Magkakilala na kaya sina Sam at Kevin? Huwag palampasin ang teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang “Born for You,” gabi-gabi pagkatapos ng “Dolce Amore” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede rin mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

VIRAL SA FB NA   TRUMPETS DANCE MOVES, SEGMENT NA SA EAT BULAGA

Naunahan na ng Eat Bulaga ang ibang show sa kanilang Trumpets Challenge na sinimulan nila last week.

Dalawang grupo ang maglalaban araw-araw sa pagalingan ng pagsayaw at paggiling ng hit na hit na dance moves ngayon nina Sak Noel at Salvi. Makapag-uuwi nang malaking cash prize ang tatanghaling winner na may chance na makipag-compete sa Weekly finals.

Una nang nagpamalas ng galing sa pagsayaw ng Trumpet sa Bulaga ang Pambansang Bae na si Alden Richards at sinundan ito ng kaniyang loveteam na si Maine Mendoza.

Sa mga nais sumali may daily auditions from 3:00 pm to 5:00 pm sa Broadway Studio ng EB at huwag kalilimutang magdala ng inyong audition materials.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony …

Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Beauty Gonzales wala ng balak mag-anak pa—Gusto ko rin magpa-bebe

WALA na raw balak mabuntis at magka-anak pang muli ni Beauty Gonzales. Masaya na ito sa nag-iisa …

McCoy de Leon Elisse Joson Felize

McCoy sobrang nasorpresa sa birthday party na inihanda ni Elisse 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang guwapo at mahusay na aktor na si McCoy de Leon sa surprised …

Rhea Tan Beautéderm

Rhea Tan ibinahagi tips sa matagumpay na negosyo

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginawang Chinese New Year at 1st Anniversary ng kanyang seven …

Martin del Rosario Liezel Lopez

Martin del Rosario non-showbiz ang mas feel maging GF

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS pa rin si Martin del Rosario. “Single pa rin, pero nagdi-date …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *