Sunday , February 25 2024

Kris, Jodi, at Ian, ibibida ang pag-ibig sa Kapamilya Box Office ng ABS-CBN TVplus ngayong weekend

MAGHAHARI ang pag-ibig ngayong weekend (Hunyo 11-12) sa lahat ng ABS-CBN TVplususers sa buong bansa dahil ipalalabas ang Star Cinema MMFF 2015 entry na All You Need Is Pag-Ibig sa Kapamilya Box Office sa abot-kayang presyo na P30.

Mapapanood ng bawat pamilya kung bakit nga ba pag-ibig ang kailangan sa buhay ng bawat tao sa mga nakakikilig na adventures ng iba’t ibang Kapamilya stars na sina Kris Aquino, Jodi Sta Maria, Ian Veneracion at marami pang iba.

Bukod dito, kompleto pa ang weekend blockbuster marathon ng pamilya sa drama hit film naNo Other Woman, Petrang Kabayo, at ang Hollywood film na My Soul To Take.

May pagkakataon ring mag catch-up sa mga nakaligtaang episodes ng Dolce Amore sa marathon na eere ngayong weekend sa KBO.

Para todo-todo ang bonding ngayong Sabado at Linggo, mag-load lamang ng P30 sa inyong ABS-CBNmobile prepaid SIM at gamitin ito upang mag-register by texting KBO30 <SPACE> JUNE11 <SPACE> TVplus box ID at i-send sa 2131. I-press lamang ang INFO button sa TVplus remote control para malaman ang seven-character TVplus box ID.

I-activate ang KBO sa 7th channel ng TVplus by pressing the SCAN button sa TVplus remote control. Para sa remote control na walang SCAN button, i-press lamang ang MAIL button. Makikita ang KBO artcard sa 7th channel pagkatapos mag-scan.

Good news din ang hatid ng ABS-CBN TVplus dahil ang lahat ng bibili ng ‘mahiwagang black box’ ngayong Hunyo ay may kasamang one month free trial of KBO. Para mag-subscribe sa free trial, i-text ang FREEKBO <SPACE> TVplus Box ID to 2131 gamit ang ABS-CBNmobile prepaid SIM.

Ang Kapamilya Box Office (KBO) ang pinakabagong feature ng ABS-CBN TVplus na nagdaragdag ng saya sa weekend bonding ng pamilya sa commercial-free movie marathons na ipinalalabas dito sa halagang P30. Maaari ring mapanood sa iWant TV ng ABS-CBNmobile ang mga palabas sa KBO.

Sa mga TVplus users na wala pang ABS-CBNmobile SIM, maaring bumili nito sa halagang P30 sa SM store and 7-Eleven branches, telco tiangges, or text  SIM DELIVERY to 23661.

Makakabili naman ng ABS-CBN TVplus boxes na may kasama ng ABS-CBNmobile prepaid SIM sa lahat ng accredited retail outlets, sales agents,

at dealers sa abot-kayang one-time payment na P1,999.

Samantala, makabibili ng load para sa ABS-CBNmobile SIM sa  SM Store, SM Savemore, 7-Eleven, Cebuana Lhuillier, Generika at sari-sari stores or telco tiangges na may autoload max.

Mapapanood ang Kapamilya Box Office ng ABS-CBN TVplus sa GMA, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, Metro Cebu, Davao City, at Cagayan De Oro.

Huwag palampasin ang linggo-linggong masayang family bonding sa commercial-free movie marathon sa Kapamilya Box Office. Para sa karagdagang impormasyon sa weekly movie line-up, pumunta lamang sa tvplus.abs-cbn.com at i-follow ang ABS-CBN TVplus sa Facebook. Maari ring mag-text ng KBO <SPACE> HELP sa 23661 para sa mga katanungan.

About hataw tabloid

Check Also

Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony …

Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Beauty Gonzales wala ng balak mag-anak pa—Gusto ko rin magpa-bebe

WALA na raw balak mabuntis at magka-anak pang muli ni Beauty Gonzales. Masaya na ito sa nag-iisa …

McCoy de Leon Elisse Joson Felize

McCoy sobrang nasorpresa sa birthday party na inihanda ni Elisse 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang guwapo at mahusay na aktor na si McCoy de Leon sa surprised …

Rhea Tan Beautéderm

Rhea Tan ibinahagi tips sa matagumpay na negosyo

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginawang Chinese New Year at 1st Anniversary ng kanyang seven …

Martin del Rosario Liezel Lopez

Martin del Rosario non-showbiz ang mas feel maging GF

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS pa rin si Martin del Rosario. “Single pa rin, pero nagdi-date …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *