Thursday , June 4 2026

Jason Fernandez nalungkot sa pagkamatay ng 5 sa music fest sa MOA

00 Alam mo na NonieNAGPAHAYAG ng kalungkutan si Jason Fernandez, dating lead vocalist ng bandang Rivermaya, sa nangyaring insidente sa isang music festival sa MOA noong May 21 na nagbunga ng pagkamatay ng limang tao. Drug overdose ang sinasabing dahilan ng pagkasawi ng mga naturang concert goers.

“Nalungkot talaga ako, nang nalaman ko pa na ang pill na yun, hindi nila alam kung ano talaga ang content. Kasi parang tatlong droga yata ang nasa isang pill.

“Ayaw kong manisi, hindi natin alam, I mean, may mga bagay kasi na kailangan malaman mo ang limitasyon mo kung hanggang saan ka lang talaga. I mean, puwede kang magsaya nang hindi ka naman nagda-drugs.”

Sinabi pa ni Jason na mas cool magbanda kung walag drugs. “Mukha lang kaming nagda-drugs pero hindi, high kami sa music,” nakangiting saad niya sabay tingin sa kanyang mga tattoo.

“Maraming nagbabanda, lalo na yung nagsisimula, hindi nila alam ang totoong mundo mayroon sa pagbabanda. Feeling nila ‘pag nagbanda sila, magiging cool guys, sex, drugs, and rock ‘n roll, pero pag nakilala mo iyong mga tao na nandoon na sa tuktok…

“Kung totoong musician ka or artist, dapat maha-high ka sa music mo. Hindi ka robot. I mean, tugtog ka lang at kung wala kang naramdaman… Di ba parang there’s something wrong, parang ganoon. So, ma-high ka na lang sa music. Iyon lang yun, huwag nang mag-drugs, sayang lang pera niyo!”

Nabanggit din ni Jason ang ukol sa rock musical nilang American Idiot. Sinabi niya kung paano niya nakuha ang lead role rito. “Pinagawa ako ng video tapos pinanood pa nila ako sa isang bar sa 12 Monkeys. Pumunta pa talaga sila para obserbahan ako how I perform sa stage.

“Ang sarap ng feeling na dinaanan mo yung ganoong proseso, tapos nandito na ako. Kasi feeling ko, as an artist gusto kong magkaroon ako ng silbi sa industriya natin. Gusto kong masabi na pagtanda ko, ‘Oy alam mo nag-theater ako. Naging Johnny ako sa isang rock musical dito sa atin.’ Para may silbi ka sa susunod na generations. Akala kasi nila na kapag rock and roll bara-bara lang. Siyempre may disiplina rin. Hindi lang sa sex, drugs, and rock and roll. We’re taking this very seriously.”

Mula sa direksiyon ni Robbie Guevara at hatid ng 9 Works Theatrical, ipi-feature sa Tony-winning rock opera na American Idiot ang music ng punk rock na band na Green Day. Magkakaroon ito ng shows mula June 24 to July 9, 2016. Ang tickets ay available sa Ticketworld (sa tel. 8919999) o mag-log on sa www.ticketworld.com.ph.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …