Jaclyn, β€˜di man lang sinalubong at ipinagbunyi

053016 JACLYN Jose cannes
DUMATING ang aktres na si Jaclyn Jose sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagwaging best actress sa katatapos na 2016 Cannes Film Festival sa kanyang pelikulang Ma Rosa. Kasama niya si director Brillante Mendoza at anak na si Andi Eigenmann. Ayon sa aktres ang nakamit niyang karangalan ay inihahandog at ibinabahagi niya sa lahat ng Filipino. Si Jaclyn din ang unang Asian na nakasungkit ng nasabing award sa Cannes. (JSY)

MARAMI ang nadesmaya na wala man lamang malaking pagsalubong na isinagawa para sa Pilipinang nagkamit ng Best Actress trophy sa katatapos naCannes Film Festival na si Jaclyn Jose.

Wala ring malaking taong sumalubong from movie industry sa kanya. Kaya may mga nagtatanong, hindi ba raw dapat sinalubong si Jaclyn ng mga taga-GMA dahil may serye silang ipalalabas ng aktres?

Dapat din daw sinalubong ng taga-MTRCB si Jaclyn. Eh kaso, walang namataan isa man sa kanila. Mabuti pa nga ang mga Hermano Mayores sa isang kapistahan sa probinsiya na kapag may bisitang artista nakabalandra ang mga tarp at mga sasalubong na motorcade.

Nakahihinayang kasing hindi man lang nabigyan pansin ang isang malaking event na karangalang uwi ng aktres.

Mabuti pa nga β€˜yung ibang beki na nanalo lang sa pakontest ng anik-anik na award eh, grabeng bongga ang pagsalubong.

SHOWBIG – Vir Gozales