Friday , July 26 2024

Sylvia, wish na yumabong pa ang career nina Arjo at Ria

HINDI para sa kanyang sarili ang birthday wish ni Sylvia Sanchez sa kanyang kaarawan kundi para sa kanyang mga anak.

Hindi na raw para sa kanyang sarili ang wish ng very generous at napakabait na award winning actress na si Sanchez sa pagseselebra ng kanyang 45th birthday kundi para sa mga anak at pamilya. Lalong-lalo na kina Arjo at Ria na parehong nasa showbiz.

Wish nga ni Sanchez na mas yumabong pa ang showbiz career ng kanyang mga anak.

Bukod pa rito ang good health sa kanya at sa kanyang buong pamilya.

Wala na raw mahihiling pa si Sylvia sa pagkakaroon ng mapagmahal at very supportive husband na si Art Atayde at mababait na anak.

Kaya naman pasasalamat ang gusto nitong ibalik sa Poong Maykapal sa lahat-lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa kanyang buhay.

At para naman sa kanyang career, magagandang proyekto at roles na hindi niya pa nagagawa ang wish niya.

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *