Thursday , February 22 2024

Ang Panday, magwawakas na sa June 2

SA ataw man o sa gusto ng mga batang naadik na sa panonood ng Ang Panday sa TV5, ang anumang bagay na nagsisimula ay may katapusan.

Sa June 2, Huwebes, na kasi magwawakas ang TV adaptation ng obra ni direk Carlo J. Caparas sa ilalim ng malikhaing direksiyon ni Mac Alejandre.

Matatandaang February 9 nang mag-umpisang umere sa Kapatid Network ang kuwento ni Flavio, na pamilyar na sa mga manonood nang makailan din itong isinapelikula first played by Fernando Poe Jr..

Ang mas exciting nga lang, dinadagdagan ng maraming sangkap ang TV version na ito with only one actor in mind, si Richard Gutierrez who’s direk Carlo and wife Donna Villa’s hands down choice para gumanap bilang Flavio.

Bukod sa katauhan ni Flavio, nakisahog na rin kasi ang mga karakter nina Miguel at Juro upang silang tatlo—sa magkakaibang panahon—ay magtulong-tulong upang sugpuin ang kasamaang inihahasik ni Lizardo.

For the kids na tumutok talaga rito, malungkot man sila ay nasiyahan din naman sila sa bawat episode nito. At tinitiyak ng buong produksiyon nito na hanggang sa huling episode isa lang ang malinaw na mensahe ang nakapaloob sa kuwento.

Kailanman, hindi magwawagi ang kasamaan.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Donny Pangilinan Maricel Laxa

Donny may lalim umarte

MA at PAni Rommel Placente ISA talaga si Donny Pangilinan sa mga young actor natin ngayon na …

Liza Soberano Tessa Albea AJ Perez

Liza Soberano ibinahagi pagiging super fan ni AJ Perez

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Liza Soberano ni Tessa Albea sa One Down, ibinunyag na …

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Problema ng GMA sa Baliwag tinapos na 

I-FLEXni Jun Nardo NATAPOS na ang sa Baliwag scene na eksena sa top-rating GMA show na Abot Kamay …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Sex video ni Male starlet ginawang papremyo ng isang produkto

ni Ed de Leon AY ano iyang nasa isang internet platform, mayroon silang ilang katanungan …

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Mayor ng Baliwag umalma sa serye ni Jillian, GMA Execs humingi ng paumanhin  

NAG-COURTESY visit sina GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria at Abot Kamay Na Pangarap Executive Producer Joy …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *