Wednesday , February 21 2024

Chris Tiu, excited na sa paglabas ng kanilang baby

00 SHOWBIZ ms mMASAYANG ibinalita ni Paul Lee, team mate ni Chris Tiu sa Rain or Shine na anytime ay manganganak na ang asawa nito.

Super excited nga raw ang magaling na basketbolista at host ng ilang programa sa GMA7 at TV5 at isang magaling na negosyante sa paglabas ng kanilang anak ni Clarisse Ong.

Hindi lang si Chris ang excited pati si Lee ay ganoon din kaya naman nakiusap ito sa mga social media fans and supporters nila na ipag-pray ang safe delivery ni Ong-Tiu.

Samantala, very humble namang inamin ni Lee na halos nawalan siya ng lakas ng loob kung makababalik pa siya sa paglalaro ng basketball after niyang ma-injured early this season.

Si Lee ang nanalong MVP of the Finals sa katatapos na championship series ng team niyang Rain or Shine (Elasto Painters) laban sa Alaska, kahit umaming nagduda siya sa sariling galing lalo pa’t malupit ang mga salita sa kanya ng netizens.

Aniya,  ”minsan ‘pag matutulog na ako parang (nag-iisip ako) ‘anong nangyari sayo?’ Siyempre may nababasa ka, ‘yung sinasabi sa ‘yo, ‘ano nangyari sa ‘yo wala na ‘yung dating laro mo.’

Aminado ang magaling na player na nasasaktan siya at mga kapamilya niya, pero wala naman daw siyang magagawa kundi tulungan ang sarili.

“Talagang sinikap kong ibalik ‘yung tiwala sa sarili. Mabuti na lang ‘yung teammates ko at si si coach Yeng (Guiao), laging nakaalalay kaya malaking pasasalamat ko sa kanila,” giit pa ni Lee.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

marriage wedding ring

Magkakarelasyong bakla ‘di tamang bigyan ng bendisyon sa simbahan

ni Ed de Leon DITO sa showbusiness marami kaming nakakasamang bakla sa aming trabaho. Ok …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Dylan

Dennis at Jen tiyak na magtatagal

INAMIN nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na may panahon palang muntik na rin silang maghiwalay dahil sa selos. …

Kris Aquino Boy Abunda Bimby Josh

Kris initsapwera sina James at Ipe, Josh at Bimby ‘di inihabilin

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin malaman kung humihingi ba ng awa si Kris Aquino at ngayon …

Wilbert Tolentino Kain Tayo

Makipagsabayang chumicha kay Wilbert Tolentino; Kain Tayo, tara na!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG klase talaga ang energy at ang determinasyon ng kilalang …

Kristoffer Martin Family

Kristoffer Martin umaming minsang nabaliw sa pag ibig

MATABILni John Fontanilla INAMIN ni Kristoffer Martin na dumating siya sa punto noon na kahit masira ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *