Wednesday , January 19 2022

5 patay sa Close Up Open Concert, party drug nga ba ang dahilan?

UNA, nakikiramay tayo sa malungkot na sinapit ng limang party-goers na namatay sa Close Up Forever Summer Concert sa Mall of Asia (MOA) grounds.

Dalawa sa kanila ay parehong 18-anyos, sina Bianca Fontejon at Ken Migawa. Si Ariel Leal ay 22-anyos, si Lance Garcia, 36-anyos ay co-founder ng Partyphile app, at ang American national na si Eric Anthony Miller, 33 years old.

Lahat sila ay nakitang nakahandusay sa grounds sa magkakaibang lugar. Hindi sila magkakakilala at lalong hindi magkakasama nang pumunta sa nasabing party-concert.

Si Fontejon ay estudyante ng De La Salle Santiago Zobel School. Nag-iisang babae sa limang biktima.

Nagkaroon ng mga espekulasyon na alcohol at droga ang sanhi ng ikinamatay nila. Pero ilan sa mga kakilala natin na nakakikilala sa dalawang biktima, ay nagsasabing malayong masangkot sa paggamit ng illegal drug.

Puwede sigurong nakainom sila at na-dehydrate dahil sa dami ng tao at sobrang init.

Hanggang ngayon ay nag-iimbestiga pa rin ang mga awtoridad kung ano talaga ang naging sanhi ng kamatayan ng limang party-goers.

Maging ang mga concessionaire na nagsisilbi ng alak doon ay iniimbestigahan na rin ng pulisya upang matukoy ang sanhi ng kamatayan ng limang biktima.

Sa mga kabataan na mahilig sa party, umiwas kayo sa pag-inom ng mix drinks lalo na kung hindi naman kayo pamilyar sa pag-inom ng mga alak.

May report rin tayong natanggap, may namimigay pa ng libreng drinks sa party-goers.

Sa mga magulang naman na mayroong mga anak na mahilig mag-party pangaralan po ninyo na bawas-bawasan ang pagpa-party at pag-inom-inom lalo na kung minors pa.

Better yet, tigilan muna ang unnecessary parties.

Sa mga awtoridad, sana naman po ay matukoy agad ninyo ang sanhi ng kamatayan ng limang biktima.

Diyan po nakasalalay ang seguridad ng mga susunod pang mga event na gaya niyan.

Wala bang pananagutan ang event organizer sa insidenteng ito? May naka-standby bang medical team at ambulansiya sa ganitong event?

Palagay natin, pagkatapos ng insidenteng ‘yan, maraming magulang ang matutuwa kapag todong ipinatupad ni President-elect, Mayor Digong Duterte ang kanyang 1am curfew hour sa lahat ng inuman,gimik bar, resto bar at KTV bar sa buong bansa.

Umpisahan na ‘yan!

Fil-Chi Federation sumipsip na kay Digong

Bilib rin naman tayo dito sa Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI) Inc., dahil nagpalabas pa ng malaking ads na pagbati kay President-elect Digong Duterte sa malalaking diyaryo.

Alam naman natin na hindi solido ang suporta ng mga miyembro ng pederasyon sa kandidatura noon ni Duterte.

Mga malalaking negosyante ‘yan na tumataya sa lahat ng kandidato.

Isa pa si Mr. James Dy ay lantarang sinuportahan ang kandidatura ni Vice President Jejomar Binay.

Wala namang masama sa kanyang endorsement kay Binay kaso buong Filipino-Chinese community ay kanyang ikinokom-pormiso kay Binay.

Ang siste nang maolat ang kanyang manok, mabilis pa sa alas-kuwatrong biglang sumipsip agad kay President-elect Digong Duterte.

Kunsabagay, wala namang bago sa ganyang style nila.

Magiging matagumpay ba silang negosyante kung hindi sila mabilis kumambiyo?!

‘Yan ang secret of success nila.

Kung ang mga politiko, nagogoyo at nabobola ang constituents nila, sila naman, mga politiko ang naiisahan.

Sabi nga, birds of the same feather, flock together.

‘Yun ‘yun e!

The boat of Liberal Party is sinking…

Narinig natin ito nitong nakaraang weekend lang sa mga batang naglalaro sa kalye…

“The boat of Liberal Party is sinking… group into…”

Pamilyar ba kayo sa larong ‘yan?

Ganyan po ngayon ang nilalaro ng mga nagtatalunang miyembro ng Liberal Party.

Nagtatalunan lahat ngayon sa poder ng PDP Laban. Mahirap na nga naman kung mahigop sila sa paglubog ng bangkang Liberal…

Tiyak na lulubog ang lahat-lahat ng kanilang pakinabang.

Titingnan na lang natin kung ano ang gagawin sa kanila ni Digong, matapos magtalunan patungo sa bagong administrasyon.

Abangan ang susunod na kabanata.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Sino ka?

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. MARAMING umaangkin sa karangalan na masabi na sila’y …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mag-isip-isip ‘outside the vaxx’

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAHIT paulit-ulit pang itanggi ng gobyerno, hindi mapapasubalian na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Bakuna o kita na may kaakibat na virus?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PATULOY na lumolobo ang bilang ng mga nahahawaan ng CoVid-19 partikular …

Dragon Lady Amor Virata

Tatlong panibagong variant… tama na

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HIRAP na dinaranas ngayon ng ating bansa, mahihirapan …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Untouchable sa Palasyo

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago ang kalakaran ng paggamit ng impluwensyang kalakip ng puwesto …

Leave a Reply