Wednesday , November 30 2022

Therese Malvar, pararangalan sa 15th New York Asian Film Festival

00 Alam mo na NonieBIBIGYANG parangal ang young actress na si Therese Malvar sa 15th New York Asian Film Festival. Kinilala ang 15-year-old actress para sa pelikulang Hamog (Haze) ni Direk Ralston Jover. Dito’y gumanap si Teri bilang isang violent street kid. Tatanggapin ni Therese ang kanyang award sa screening ng pelikulang Hamog sa July 1 sa naturang filmfest.

Isa si Therese sa recipient ng Screen International Rising Star Asia Awards kasama  ang dalawa pang Asian actresses na sina Go Ayano ng Japan at Jelly Lin ng China.

Nang nakapanayam namin ang dalagita, inusisa namin siya kung ano na-feel niya nang nalamang isa siya sa recipients ng Screen International Rising Star Asia Awards?

“Noong nasabi po sa akin yung balita na magiging awardee po ako… Natuwa ako sobra, kasi this is a major thing for me because international award po ito and very thankful ako to the people/the team behind NYAFF because they thought about me and they awarded me as a rising star!

“Excited rin po ako kasi first time ko magta-travel abroad and I’m excited for the film festival as well.”

Mas gaganahan ka ba sa mga next project mo dahil dito? “Yes po, mas gaganahan po ako because mas makikilala na po ako sa Pilipinas (if mabalitaan po about this award) and mas gagalingan ko po talaga sa lahat ng magiging project ko po, for hopefully-more awards :&.”

Ayon pa sa talented na alaga ni Ferdie Lapuz, napa-iyak daw ang kanyang ina nang nalaman ang magandang balita.

Unang kinilala ang galing ni Therese sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita noong 2013 nang itinanghal siyang Best actress at sa Cinema One Originals para sa Hamog last year.

Si Therese ay isa rin sa bida sa pelikulang Child Haus na recently ay nanalo sa 14th Dhaka Internationa Film Festival bilang Best Children Film. Ang naturang pelikula ay prodyus ng BG Productions International ni Ms. Baby Go at mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Leave a Reply