Wednesday , December 7 2022

Aiko, dadalhin ng Iranian BF sa Iran

REBEL heart?

Gusto na nga raw siguraduhin ng aktres na si Aiko Melendez na sa pagdating ni Shahin Alimirzapour sa buhay niya eh, for keeps na ito!

Marami kasi ang nag-iisip na baka sa layo ng agwat nila ng Iranian na Dentistry student and at the same time eh Marketing man, 40 si Aiko at 28 lang ito, eh baka marami silang hindi pagkasunduan lalo pa at magkaibang-magkaiba rin ang kultura at relihiyon nila dahil isang Muslim si Shahin.

Pero agad kaming sinagot ni Shahin about it na hindi raw siya practicing Muslim na magkakaroon ng maraming asawa kung sakali. At sabi rin ni Aiko na nasa sentro ng relasyon nila ang Panginoon.

Sa Agosto dadalhin ni Shahin si Aiko sa kanilang journey sa Iran although naipakilala na ni Shahin si Aiko sa kanyang parientes. At nagiging close naman si Shahin sa mga anak ng aktres lalo na kay Andre whom he finds so cool.

Proud naman si Aiko sa pagkapanalo ng ex-husband niyang si Jomari Yllana bilang Konsehal sa unang distrito ng Paranaque, sampu ng mga iba pang Yllana na nasa politika rin.

Kasalan na kaya ang susunod na kabanata sa buhay ni Aiko after that journey in Iran?

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply