Friday , January 28 2022

Angeline, hinihingIan na ng anak ng kanyang lola

00 fact sheet reggeePRESSURED si Angeline Quinto dahil parati raw siyang sinasabihan ngmama Bob (lola) niya tuwing umaga na gusto na nitong magkaroon ng bata sa bahay nila.

Nakapagpatayo na ng sariling bahay niya si Angeline sa Quezon City at isinama na niya ang lola at mga kapatid na rati’y sa Sampaloc nakatira.

Kakalog-kalog daw kasi sina Angeline sa laki ng bahay nila at walang mainggay na bata maliban na lang kung nasa kanila ang mga pamangkin niya na binibisita siya.

Kuwento ng dalagang singer nang makatsikahan namin siya sa nakaraangDivas: Live In Manila presscon na ginanap sa Felicidad Mansion ay tila minamadali na siya ng lola niyang mag-asawa dahil nga gusto na nitong magka-apo.

“Lagi kong dinadasal ate Reggee, sana mangyari ang sinasabi ni Mama Bob bago siya mawala kasi matanda na rin naman siya.

“Pero, ayokong magka-anak ng hindi kasal, ayokong pangunahan, ‘no? Nalulungkot nga ako, kasi hindi na nakita ng tatay ko ang pinaghirapan ko lahat, hindi na niya nakita kung ano ako ngayon kasi nga wala na siya. Kaya ‘yung hinihiling ni Mama Bob, paano? Wala naman akong asawa pa,”pagtatapat ng tinaguriang Queen of Themesongs.

Ngiti ang sagot sa amin ni Angeline noong tinanong namin kung wala pa bang plano si Erik Santos na hingin ang kamay niya sa kanyang Mama Bob, ”puro work ‘yun, ganoon din ako,” sambit ng dalaga.

Wala naman daw kasing malinaw na usapan kung anong relasyon mayroon sila ni Erik at hindi rin naman daw nagtatanong ang dalaga.

Hindi naman itinanggi ni Angeline na may nanliligaw sa kanyang non-showbiz at talagang dumadalaw daw sa bahay nila at talagang kinilala ang buo niyang pamilya.

Edad 26 na si Angeline at gusto pa niyang mag-ipon ng husto habang may mga offer pa sa kanya at ito rin naman daw talaga ang pangarap niya, makilala bilang singer at magkaroon ng maraming hit songs tulad ng idolo niyang si Regine Velasquez.

At may isa pa palang pangarap si Angeline, ”gusto kong maging best actress,” walang kagatol-gatol na sabi ng dalaga.

Paano, eh, hindi ka naman dramatic actress, at more on a singer ka, sabi namin sa dalaga, ”gusto kong i-remake ‘yung ‘Anak’, ‘yung kina Ms Vilma Santos at Claudine Barretto, ako ang gaganap na Claudine,” sagot sa amin.

Parang hindi naman bagay kasi sa apat na pelikulang ginawa ni Angeline tulad ng Born To Love You, Four Sisters and A Wedding, Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo, at Beauty In A Bottle ay puro komedyana ang papel niya at hindi namin siya nakitaan ng seryosong role.

“Eh, kasi nga po wala namang ibinibigay sa akin na drama, kaya nga challenge ‘yun na sana bigyan ako ng drama at kaya ko ‘yun,” katiwran ni Angeline.

Bale ba, may ginagawang pelikula ngayon ang singer/actress (o ha, nadagdag na ang actress), ang That Thing Called Tanga Na mula sa direksiyon ni Joel Lamangan produced ng Regal Entertainment ay comedy na naman, so paano magkakaroon ng best actress trophy si Angee?

Sabi namin na puwedeng comedy actress, ”ay oo nga, puwede rin.”

Samantala, sa concert na Divas: Live In Manila ay makakasama ni Angeline sina Kyla (Queen of R & B), Yeng Constantino (Pop-Rock Princess), KZ Tandingan (Soul Supreme), at Rachelle Ann Go (West End Diva) at tig-isa lang daw ang spot number nilang lima kaya sa kabuuan ng show ay magkakasama sila o may duet sila sa isat’ isa.

Sa tanong namin kay Angeline kung sino ang pinakamagaling sa kanilang lima, ”iba-iba po, kasi si ate Yeng, pop-rock princess siya, nakasusulat siya ng kanta, tapos si KZ ganoon din, nakakapagsusulat din ng kanta at saka iba rin ‘yung style niya, si ate Kyla, R & B, though kaya ko rin naman ‘yung kulot-kulot minsan at si ate Rachelle Broadway singer naman, hindi ko kaya ‘yun.,” pagkompara ng dalaga sa kapwa niya divas.

Sabi namin ay kaya niyang kumanta ng pop- rock, soul at ang R n B maliban sa Broadway dahil wala siyang proper training at hindi rin naman niya ito hilig.

“Oo nga po, wala akong background sa Broadway songs siguro po, kaya naman gawin ‘yung sa iba (divas),” napangiting sabi ng dalaga.

Kaya ang sabi namin ay ‘ikaw’ ang pinakamagaling lalo na ‘pag biritan na dahil hindi naman kaya noong apat ang matataas na kanta.

Inamin din naman ito ni KZ na sa production number nila sa ASAP20kapag matataas na raw ang tono ay siya na ang pinaka-kanta ng lahat at mag-a-adlib na lang ‘yung iba.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Iya Villania Drew Arellano Antonio Primo Alonzo Leon Alana Lauren

Iya, Drew at mga anak okey na

RATED Rni Rommel Gonzales BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos …

Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus …

Leave a Reply