Thursday , January 27 2022

Pagpunta ni Alden sa burol ng isang fan, pinuri

LALONG pumogi si Alden Richards matapos niyang puntahan ang burol ng isa niyang fan na namayapa na.

Namatay na ang female fan ng binata named Eden at ang only wish nito noong nabubuhay pa ay ang makita ang actor. Kaso kinamatayan na niya ang wish niyang iyon.

Nang malaman ito ni Alden ay agad-agad siyang nagpunta sa burol ng kanyang fan.

Siyempre, pinuri si Alden nang lumabas ang photo ng pagpunta niya sa burol sa isang popular website.

“Sayang hindi nakita ni Eden si Alden, ‘yun pa naman ang death wish n’ya, ang makita lang si Alden.”

“ay grabi sya! lab lab lab mo talaga ang fans mo Alden. sayang lang di mo sya naabutang buhay.”

“RIP EDEN, Im sure masaya ka naman kung nasan ka man ngayon ! Bait talaga ni Alden! God bless you.”

“one of a kind tlga tong c alden, condolence s naulila nung fan ni alden, i’m sure nkagaan s pgddlamhati nila ang pgdalaw ni alden s wake. god bless u more alden!”

“Ay grabe naman. Sa sobrang hectic ng schedule, he really made an effort to visit his fan. Keep it up, Alden! God bless you! :)”

‘Yan ang comments ng tao kay Alden.

Julie Anne, may issue kay Marian

AWARE si Julie Anne San Jose na may issue sa kanila ni Marian Rivera.

Sa kanyang IG photo ay inulit ni Julie Anne sa fans niya na okay  sila  ni Marianita at sana ay huwag silang gawan ng issue.

Ang chika kasi, naimbiyerna raw si Julie Anne dahil hindi siya nabigyan  ng chance ni Marian na makapag-promote ng concert niya sa Sunday noontime show nila.

Nag-away ang fans nina Marian at Julie Anne sa comment section ng isang sikat na website.

“totoong fans ni JAPS yung nangbabash kay Marian. Feeling kasi nila yung SPS ay show ni Julie,” say ng isang maka-Marian.

Sinagot naman ito ng isang fan ni Julie at sinabing, “Kakapal niyong Marian fans. Si Julie talented at mas maganda siya para sa amin. Tanda na ni Marian, tumigil na kayo.”

Gumanti ang maka-Marian at nagtatalak na sinabing “Mahit matanda na si Marian di hamak na masmaganda sya kesa kay Julie! At kung sinasabi nyong sinasapawan ni Marian si Julie ay ayos lang. Show naman nila Marian yon, at si Marian ang pinaka main host dun at si Ai-ai.”

“Huh! Si Marian Rivera Daming nakaaway? Hamham mo teeh!!! Iyong Mga Enggeterang Starlets Na Idol mo Gumawa ng issue About Marian. Sus Liar tulad ka ng Idol mo hanggang ngayon Starlet pa din,” pahabol pa ng isang maka-Marian.

“Baks hindi ka nagbabasa? Yung mismong fan nya ang nagtatanong kung ok sya kasi nagsimangot ang isang yan kanina sa SPS, live pa dahil lang hindi sya pinag-promote ni Marian sa TV. Yung fans nya lang ang concerned sa kanya. Walang pake majority ng viewers sa kaartehan na pinakita nya kanina lmao,” pambubuking pa ng fan ni Marian.

Kris, nagpagupit dahil na-heartbroken na naman

SABI na nga ba’t nagpagupit noon si Kris Aquino dahil na-broken hearted siya.

Lumabas na ito ang totoong reason nang mag-post si Kris sa kanyang Instagram ng ilang photos with this caption, “I realized, mas bagay talaga sa kin when my hair is a couple of inches below my shoulder. It took 2 years for me to grow out my pixie cut experiment. So girls- if ever you’re heartbroken- don’t cut your hair.”

That said, inamin niya rin na kaya siya nagpagupit two years ago ay dahil in despair siya. It was obvious na na-disappoint siya sa kinahinatnan ng love life niya with Mayor Herbert Bautista.

So, now na mahaba na ang buhok ni Kris, mukhang matatagalan pa bago siya magpagupit ng napakaikli uli.

Bianca, tinawag na stupid

NA-BASH nang husto si Bianca King matapos mag-post ng photo kasama si dating unang ginang Imelda Marcos.

Lumabas sa isang website ang photo at pati na ang reaction ng bashers ng dalaga.

“’The true, the good and the beautiful,’ one of the lines I remember from the documentary ‘Imelda’ by Ramona Diaz.

“Always fascinated with Philippine history and politics. Especially this election because I am a first time voter.

“I watch speeches and interviews of all the candidates during my free time. Who are you voting for?”

‘Yan ang caption ni Bianca sa photo niya.

May tumawag kay Bianca na stupid dahil lang sa  photo na ‘yon. Ipinamumukha ng basher na hindi dapat mag-post ang dalaga ng photo kasama ang former First Lady. At dapat nitong balikan ang Philippine history.

Sinagot naman siya ni Bianca at sinabing she’s aware of our history. Dagdag pa niya, Hindi naman daw niya iboboto si Imelda bilang pangulo.

Marami naming nag-defend kay Bianca.

“kahit ke Pontio Pilato ka pa magpapiktyur with matching nilalatigo, anong pakelam nila dun, and……… besides, they want only the history they know to be true at isaksak sa baga natin? sinbergwenza! kung naiinggit ka, pa-piktyur ka rin…tsurah.”

“Ano pkialam nyo kung nagpa picture c @bianca_king kay Imelda marcos. Tsaka di nman sya tatakbo for president. Mga obob kau!!!”

“Nako magsupag trabaho nga kayo at bawas bawasan nyo pakikielam sa mga tao sanay na sanay kasi kayo sa ganyan kaya yung iba dyan walang pag unlad hanggang Facebook nlng.”

‘Yan ang reaction ng mga tao.

About Alex Brosas

Check Also

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Iya Villania Drew Arellano Antonio Primo Alonzo Leon Alana Lauren

Iya, Drew at mga anak okey na

RATED Rni Rommel Gonzales BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos …

Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus …

Leave a Reply