Thursday , December 1 2022

Surprise birthday party ni Kathryn kay Daniel, may fireworks display pa!

PINATUNAYAN ni Kathryn Bernardo kung gaano niya ka-love si Daniel Padilla.

Talagang nag-abala si Kath na magbigay ng surprise party noong April 26 as Daniel celebrated his 21st birthday. Pinagtatawagan talaga ni Kath ang mga close friend at relatives ni Daniel para sa kanyang pa-party kay  Daniel.

Ang nakakaloka pa, mayroon pang fireworks display sa celebration.

Nakita namin ang video at photos sa isang website at kitang-kita ang happiness sa mukha ni Daniel. Enjoy na enjoy siya sa in-organize na surprise birthday party sa kanya ng kanyang ka-love team.

Sweetness overload ang photos and videos dahil hindi maghiwalay ang dalawa. Palaging magkadikit sina Daniel at Kath at halatang may special relationship sila.

Sa kanyang gesture ay ipinakita talaga ni Kathryn na si Daniel ang nag-iisang special guy sa kanya.  

Anak ni Bianca, ‘di nakaligtas sa mapanglait na bashers

GRABE naman ang bashers ngayon, pati anak ng celebrities ay hindi nila pinatawad.

Naawa kami nang ma-bash ang anak ni Bianca Gonzalez na si baby Lucia Martine na sinabihang “panget and negra.”

Pure evil ang tingin namin sa basher dahil pati bata na walang muwang ay nilait niya.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Bianca ang pagpapakain niya ng solid food kay Baby Lucia nang may mag-comment na, “Hahaha ang usapan panget at negra pa rin baby palang, kung gumanda man, thanks to science! Hahaha mga baliw na fans mga sinungaling.”

“Negra talaga, Pinay and proud like her momma! May problema ka run, girl?” sagot ni Bianca.

“Magbago? Wala akong planong paputiin ang anak namin kung morena talaga siya paglaki niya,” dagdag pa niya.

Binabayarang buwis ni Tetay, ipinangalandakan

IPINAMUKHA ni Kris Aquino na malaki ang ibinayad niyang tax. Nabanas na siguro siya sa pamba-bash sa kanya matapos niyang sumakay sa presidential chopper para ikampanya sina Mar Roxas at Leni Robredo kaya naman she   posted a data obtained  from the Bureau of Internal Revenue which showed the amount of taxes she paid since 2008 using the hashtags: #TRUTH #HonestTaxpayer.

Ipinakita sa post niya na she paid more than P25-M in 2008; more than P12-M in 2009; more than P32-M in 2010; more than P49-M in 2011; more than P44-M in 2012; more than  P40-M in 2013; more than  P54-M  in 2014 and more than P61-M in 2015.

All in all ay P322, 098, 558.74  ang binayarang tax ni Kris.

PSY, best TV experience para kay Richard

MALAKI ang pasasalamat ni Richard Quan na nakasama siya sa top rating sequel na Pangako Sa ‘Yo.

“It  was one of the best experiences ko sa 22 years ko sa industry. I was part of the original ‘PSY’, I was hoping I’ll get a call from ABS-CBN when I learned that mayroong remake pero sabi ko malabo, kaya naman when I got the call, I have to sacrifice two movies and another TV series (Ang Probinsyano) to accommodate them,” say ni Richard.

Ayon sa actor ay tatlong actors lang daw from the original teleserye  ang napasama—sina Jodi Sta. Maria, Amy Austria at siya.

“It was all fun and enjoyable working experience for me. The only challenge siguro is maintaining the character for 5-6 months. I created a character kasi na malayo sa personality ko,” chika niya.

While doing Pangako ay naging friends sila ni Ian Veneracion.

“Cool siyang katrabaho. ’Di alam ng tao na kaibigan ko sa totoong buhay, on weekends we go motorbiking together, kaya when I posted a pic of us motorbiking sa social media, dami nag-react,” say pa ni Richard na endroser ng Gamboa’s sports cologne.

Pokwang, ‘di nagmamadaling pakasal kay Lee

HINDI nagmamadali si Pokwang na pakasalan siya ng dyowang si Lee O’Brien.

Cool lang siya, walang pagmamadaling nagaganap sa kanila. They’re just enjoying each other’s company.

Ang maganda sa relasyon nila, walang pressure, walang selosan, walang hassle.

Sa kanya namang teleserye, ang We Will Survive, gumaganda ang relasyon ni Wilma kay Edwin.

Para mas feel na feel ang love ni Edwin kay Manay Wilma, ang mapalapit kay Jude, gagawan niya ng paraan. Escape muna sa mainit na klima!! Ang solusyon, ultimate bonding ng kanilang soon-to-be pamilya!! 

About Alex Brosas

Check Also

Michelle Aldana

Michelle Aldana balik-South Africa na

I-FLEXni Jun Nardo BUMALIK na sa South Africa ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana at …

Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEXni Jun Nardo PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa …

Blind Item, Men

Pipitsuging gay talent manager inilalako alaga sa mayayamang bading

ni Ed de Leon ANG totoo, hindi naman sa nakikialam kami sa raket ng iba, …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Leave a Reply