Thursday , December 1 2022

Mayabang at walang PR!

MUKHANG madidiskaril ang showbiz career ng young actor na na kalilipat lang sa isang sikat na network.

Kulang daw kasi sa PR at tipong may pagka-mahadera ang ermats.

Kung ang kanyang mga anak na babae ay pinababayaan ng stage mom to do the things that they want to do and she never cares if something bad happens to them along the way, the same thing cannot be said with the way she is becoming so over-protective of her son. Hahahahahahahahahahahahahahahaha!

Parang chicks raw tuloy na kahit saan magpunta ay laging nakabuntot si mudra, specially so when his son has some meetings with the gay executives of the network. Hakhakhakhakhakhakhakhakhak!

Kaya as you can very well see, tipong mabagal ang usad ng career ng kanyang anak dahil sa mahaderang masyado si mudra. Hahahahahaha!

Hayan kasi at nasa tamang edad na ang kanyang anak na lalaki pero ayaw niyang hayaang mag-decide nang mag-isa.

Dapat ay guidance lang ang kanyang ibibigay but the way she is becoming so over-protective of her son, it looks like she is going to sabotage the progress of his career. Hahahahahahahahahahahahaha!

Anyway, nag-hit ang movie na pinagsamahan ng kanyang would be leading lady at ng orig na leading man nito.

Dahil dito, mukhang nag-iisip ang network na huwag buwagin ang tambalan ng dalawa.

Now, in the event na magtuloy-tuloy ang tandem ng dalawa, what is going to happen to this new tandem that is being drumbeated by the network?

‘Yun naman daw kasing bagong leading man ay palagi pa rin nakatambay roon sa bahay ng orig niyang leading lady.

Mukhang malabo talagang mag-prosper ang tambalan nila. Hahahahahahahahahahahahaha!

Sayang!   

Alden Richards ginagamit ng isang politiko sa Pampanga

Walang ini-endosong kandidato sa nalalapit na eleksyon ang Pambansang Bae na si Alden Richards kaya naman laking gulat niya nang may makitang poster ng isang kandidato sa pagka-councilor sa bandang Pampanga na may picture niya at may hashtag pa ng Aldub Nation.

Kaya talagang nagulat ang aktor dahil wala naman siyang ineendosong kandidato at hindi niya alam na may gumagamit sa kanya sa pangangampanya.

Basta inuulit lang ni Alden na wala siyang commitment sa kahit sinong kandidato at wala raw siyang kinalaman kung paanong napalabas ng nasabing kandidato na may konek silang dalawa.

Konting finesse naman mga utol. Hindi maganda ang gawain n’yong ‘yan!

Marian Rivera iba na ang pananaw sa buhay

Pinakaaabangan na ang nalalapit na pagsisimula ng morning talk show ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang “Yan Ang Morning!”

Simula May 2, ibabahagi ni Marian sa manonood ang kanyang buhay sa likod ng kamera, ang pagiging isang simpleng nanay sa kanyang unica hija na si Maria Letizia. “Bilang isang Nanay, siguro magiging iba ‘yung pananaw mo sa buhay. The mere fact na nagkaroon ako ng Zia sa buhay ko, ‘yon pa lang ipinagpapasalamat ko na sa Diyos. At, more to come pa ‘yon.”

Bukod sa kwentohan tungkol sa pagiging isang mommy at housewife, may ituturo rin si Marian na iba’t ibang practical DIY tips and tricks, fun fitness activities at maging ang kanyang favourite #LutoNiYan recipes.

Jackie Rice may makabuluhang pa-birthday sa senior citizens

Bukas ang kaarawan ng GMA Artist Center star na si Jackie Rice at gaya ng dati ay magkakaroon siya ng charity event na magaganap sa Sabado, April 30, sa Good Samaritan nursing Home for the Elderly. Aniya, every year gusto niyang i-celebrate ang kanyang birthday nang may napapasayang mga tao kaya naman ngayong taon ay napili niya itong gawin kasama ang mga lolo at lola. “Masaya ako sa blessings na ibinibigay sa akin ni Lord kaya naman I will be sharing my blessings to our lolos and lolas this Saturday. Isang masaya at meaningful na celebration ang magaganap.”

Busy si Eulen Marcos

Apart from the launching of his album, Eulen Marcos is so busy these days with his job as a composer.

So far, marami na ang kanyang mga suking singer na nagpapa-compose ng kanta para sa kani-kanilang album.

Gustong-gusto nila ang mga compositions ni Eulen dahil easy to sing pero may dating. So far, marami-rami na rin naman ang singers na kanyang suki at isa na nga rito ang Viva recording artist (she also moonlights as an actress) na si Kate Brios na karamihan ng mga songs na incorporated sa kanyang debut album ay si Eulen ang composer.

Brios is also best remembered for her movie Maria Labo that was shown last November 11 of last year.

Sa ngayon, may bago na naman siyang suki, she’s a very lovely lady and she has the looks of an actress but her name has escaped us as of this writing. Hahahahahahahahahahaha!

Plano nga palang umuwi rito ni Eulen para personal na maasikaso ang distribution ng kanyang album but his many commitments in Barcelona Spain has prevented him from doing so.  

GMA network una at huling hirit sa election debates

 Sa mga hindi pa sigurado kung sino ang ibobotong VP sa darating na eleksyon, tamang tama ang debateng ihahatid ng GMA—ang “Hamon: The GMA Vice Presidential Debate.” Gaganapin ito ngayong Linggo (May 1) na inaasahang dadalo ang lahat ng VP wannabe dahil ito na ang last chance nila upang ipaalam sa mga botante kung bakit sila ang karapat-dapat maupo sa puwesto. Kung titingnan nga, ang GMA ang may una’t huling hirit sa election debates. Sila rin kasi ang nauna sa presidential debate noong Pebrero. Sabi nga ng election slogan ng GMA, “Dapat Tama! “ Kaya dapat tutukan ang debateng ito.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Michelle Aldana

Michelle Aldana balik-South Africa na

I-FLEXni Jun Nardo BUMALIK na sa South Africa ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana at …

Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEXni Jun Nardo PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa …

Blind Item, Men

Pipitsuging gay talent manager inilalako alaga sa mayayamang bading

ni Ed de Leon ANG totoo, hindi naman sa nakikialam kami sa raket ng iba, …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Leave a Reply