Monday , December 9 2024

Haponesa, live-in arestado sa pekeng pera

PINAYUHAN ng Pasay City Police ang publiko na maging maingat kaugnay sa pagkalat ng mga pekeng pera sa nalalapit na eleksiyon, makaraan makompiskahan ang isang Haponesa at ang kanyang live-in partner na Filipino ng fake na P500 bill na ipinambayad sa biniling T-shirts sa isang tindahan sa lungsod kamakalawa.

Nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek na sina Yuki Koguchi, 24, tubong Tokyo, Japan, at Abdul Said Datumanong, 22, ng Sitio Imelda, Taguig City. 

Sa natanggap na ulat ni Pasay Police chief, Senior Supt. Joel Doria, hinuli ng mga barangay tanod ang dalawang suspek sa Baclaran Market,Taft Avenue Extension dakong 8:35 p.m. kamakalawa.

Ayon sa ulat, bumili ang mag-live in partner ng dalawang T-shirts na nagkakahalaga ng P150 sa tindahin ni Lucita Taganos, 44, at ibinayad ang P500 ngunit napansin ni Taganos na may kakaiba sa perang iniabot sa kanya ng dalawa.

Bunsod nito, agad humingi ng tulong si Taganos sa tanod na si Rasul Sultan na agad dinala ang mga suspek sa barangay hall at pagkaraan ay dinala sa Pasay City Police.

Nakompiska mula sa mga suspek ang mga pekeng P500 bill na umaabot sa halagang P10,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong illegal possession and used of false treasury or Bank Notes and other  instrument of credits, at paglabag sa Article 318 (Other Deceits) ng Revised Penal Code sa Pasay Prosecutor’s Office. 

 

About Jaja Garcia

Check Also

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

120924 Hataw Frontpage

Manong chavit nakisaya sa sumbingtik festival

CAINTA, RIZAL — Sa kabila ng paghahanda sa kanyang kampanya para sa bagong hamon sa …

Sara Duterte impeach PBBM Renato Reyes Sal Panelo Bato dela Rosa

Kahit hindi pabor si PBBM
‘IMPEACH SARA’  SCRIPTED — PANELO

NANINIWALA si dating Presidential Spokesperson, Atty. Salvador “Sal” Panelo, ‘scripted’ ang inihain na impeachment case …

Sa bahagi ng Bulacan KOTSE NAGLIYAB SA NLEX

Sa bahagi ng Bulacan
KOTSE NAGLIYAB SA NLEX

ISANG kotse ang nasunog sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEx) Viaduct area malapit …

Gusi Peace Prize

Gusi Peace Prize 2024: Honoring Global Changemakers Across Diverse Fields

THE Gusi Peace Prize, often regarded as the “Asian Nobel Peace Prize,” celebrated its 37th …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *