Wednesday , December 7 2022

Nadine, iginiit na ‘di playboy si James!

00 SHOWBIZ ms mDINEPENSAHAN ni Nadine Lustre si James Reid ukol sa umano’y pagiging playboy nito kahit girlfriend na siya ng actor.

Sa interbyu ni Boy Abunda kay Nadine sa Tonight with Boy Abunda, noong Martes,  sinabi ni Nadine na, ”Hindi naman playboy. Regarding the video, ‘yung mga naroon naman po sa video, kilala ko naman po kung sino ‘yung mga nasa car,” giit ni Nadine.

Tinuran ito ng dalaga kasunod ng paglabas ng isang video na pinagkakaguluhan ngayon sa social media na nagpapakita na may kasamang dalawang babae si James sa loob ng isang kotse.

Sinabi ni Nadine na walang masama sa ginawa ni James dahil kilala niya ang mga babaeng iyon.

Nagpahayag din ng saloobin si Nadine ukol sa mga hindi naniniwala sa kanilang relasyon. ”If ayaw nilang maniwala, it’s up to them. Basta ang importante po, me and James, we know what’s real and we know the truth. That’s what’s important,” giit pa ng aktres na muling mapapanood sa pelikulang This Time kasama muli si James handog ng Viva Films.

Bukod sa This Time na mapapanood na sa May 4, mayroon ding series of concert sina Nadine at James sa US at Canada.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Leave a Reply