Monday , June 24 2024

Luis Manzano, tinawanan lang ang isyu ukol sa kanyang gender

00 Alam mo na NonieISA ako sa laging tumututok sa bagon game show sa ABS CBN na Family Feud hosted ni Luis Manzano every Saturday and Sunday. Actually, dati ko pa itong paborito talaga at lagi kong pinapanood ito na ang host pa ay si Richard Dawson.

Hindi ito ang first time na nagkaroon ng local Family Feud sa ‘Pinas. Bago si Luis, ang naunang host nito ay sina Ogie Alcasid sa ABC5, at Richard Gomez, Dingdong Dantes, at Edu Manzano sa GMA-7 naman.

Anyway, si Luis din pala ay fan ng Family Feud sa Amerika, kaya sobrang saya raw niya sa bagong game show na ito.

“It’s a little bit more overwhelming. Every show is overwhelming pero for a show na fan ka, kasi iyong sa States pinapanood ko iyong kay Steve Harvey kaya kahit ako nae-entertain.

“Kaya noong sinabi nila sa akin na they’re considering me to do Family Feud, sobrang natuwa na ako. Kung ano iyong ibinibigay ko sa ibang mga game shows, mas dadagdagan ko,” wika ng actor/TV host.

Samantala, tinawanan lang ni Luis ang intriga ukol sa kanyang gender.

“Bata pa lang ako iyan na talaga. Siguro hindi lang nila makuha iyong katawan ko,” nakatawang biro niya.

“Iyong pagnanasa nila siguro rurok na. Kunwari iyong bakla, walang masama sa pagiging bakla. It is not a derogatory term.

Kung bakla ka, bakla ka by all means. Pero alam mo kapag ginagamit siya bilang masamang pang-asar.

“Kung bakla ka, then go ahead, there’s nothing wrong with being gay. Pero kapag iyong tira sa akin, tira eh. Ginagamit siya with a negative connotation, so para sa akin mali iyon.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *