Monday , December 5 2022

Alden nadedevelop na nang husto kay Maine, Rogelia at Yaya Pak umeeksena sa Kalyeserye

KAHAPON ay 39 weeks nang tumatakbo sa ere ang KalyeSerye nina Alden Richards at Maine Mendoza at sineselebreyt rin sa buwang ito ng phenomenal love team ang kanilang “39th weeksary.”

Ibinuking ni Yaya Dub, Maine na libro at bulaklak ang iniregalo sa kanya ni Alden na ipinangakong laging babasahin.

Sa tagal ng samahan ng maglabtim at lalim na rin ng kanilang pinagsamahan bukod sa gamay na nila ang isa’t isa, habang pinanonood sila ay mararamdaman na nade-develop na nang husto si Alden kay Maine.

Kasi kahit na dinadaan niya sa biro ang nararamdaman niya sa dalaga ay obyus pa rin na mahal niya si Maine.

Well siguradong magbubunyi at masaya ang lahat lalo na ang AlDub nation kapag ini-announce na ni Alden na officially on na sila ni MM.

Samantala may dalawang bagong pasok na karakter sa kalyeseye at sila ay sina Yaya Pak (Boobay) at newest Rogelio sa umaga at Rogelio sa gabi na agaw-eksena sa bangayan nila ni Yaya Pak at mukhang pinapantasiya ni Rogelia si Alden.

Naku, baka this time ay beki ang maging kaagaw ni Maine kay Pambansang Bae. Huwag ninyong palalampasin ang tuloy-tuloy na paghahatid saya ng ALDUB Kalyeserye kasama sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo).

Marami na pala ang nakami-miss sa pagkaganda-gandang si Paolo Ballesteros na gumaganap bilang Tidora sa nasabing noontime serye.

Abangan siya soon gyud!

AGAWAN NG KAMBAL PARA KAY SAM MAS TUMITINDI SA “DOBLE KARA,” MARKKI PANAKIP BUTAS NI SARA KAY SEB?

Umabot na sa sukdulan ang galit ni Kara (Julia Montes) para sa kanyang kakambal na si Sara dahil sa pang-aagaw sa kanyang nobyong si Sebastian (Sam Milby) sa nangungunang Kapamilya teleserye sa hapon, ang “Doble Kara.”

Hindi na napigilan ni Kara ang kanyang sarili at nilabanan na ang kanyang kakambal matapos niya itong mahuli sa aktong pagnanakaw ng halik at pang-aakit kay Sebastian. Mainit na batuhan ng masasakit na salita na nauwi sa sakitan ang namagitan sa dalawa kaya naman lalo pang tumindi ang galit ng kambal para sa isa’t isa.

Dahil sa mga pangyayari, lubos na naapektohan si Sebastian sa awayan nina Kara at Sara ngunit kahit sinubukan niyang pag-ayusin ang dalawa, namayani ang galit sa puso nila at piniling huwag na lamang magkausap pa.

Ngayon ngang mas lumalalim na ang iringan ng kambal, paano kaya maaapektohan ang kanilang pamilya? Paano po protektahan ni Kara ang kanyang relasyon kay Sebastian? Magtagumpay kaya si Sara sa kanyang masasamang balak laban sa kakambal? At sino naman si Frank (Markki Stroem) kay Sara at ano ang magiging papel sa buhay ng kambal. Panakip butas kaya siya ni Sara kay Seb? Huwag palampasin ang kuwento na magpapadama ng tunay na pagma- mahal, “Doble Kara,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Sky- Cable ch 167). Panoorin rin ang past episodes ng programa sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscr- ibers.

RATINGS NG PRINCESS IN THE PALACE MALAKAS SA MEGA MANILA

Bukod sa pinag-uusapang lovelife ng Pangulo ng bansa na si Leona Jacinto (Eula Valdez) sa “Princess In The Palace” na inlavey sa kanyang PSG na si Col. Oliver Gonzaga (Christian Vasquez) na hunk ang dating, mangugulat rin ang bagong karakter na pasok sa morning teleserye ni Ryzza Mae Dizon sa katauhan ni Ms. Chanda Romero.

May konek sa mother ni Presidente Leona na si Donya Victorina (Boots Anson Roa-Rodrigo). Mukhang iisa lang ang lalaking minahal ng dalawa na si Carlos.

Naging mistress ba si Chanda ng namayapang mister ni Victorina? Samantala sa huling eksena sa episode ng soap noong Huwebes, habang nasa beach sina Madam Leona at anak na si Princess (Ryzza Mae) ay naroon si Allen Dizon.

Ano kaya ang papel nito sa buhay ng leader ng bansa? Malalaman ‘yan sa mga darating na episode ng Princess In The Palace na malakas o mataas ang ratings sa AGB Nielsen Mega Manila Household Ratings.

Pumapalo ang nasabing serye sa rating na mula 11% pataas. Umeere ito Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7 bago mag Eat Bulaga!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Jessy Mendiola

Jessy nalulungkot ‘pag nakikitang lumalaki ang katawan

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Jessy Mendiola na noong mga unang buwan ng kanyang pagdadalang-tao …

Blind Item, Male Celebrity

Male personality iwas sa cellphone, feeling pinagkakakitaan

I-FLEXni Jun Nardo TODO-IWAS ang isang kilalang male personality kapag nakatutok sa kanya ang phone na may …

Leave a Reply