Thursday , June 4 2026

Zyruz Imperial, may weekly gig sa Saddles’ Bar

00 Alam mo na NonieMAPAPANOOD every week ang singer/actor na si Zyruz Imperial sa Saddle’s Bar na pag-aari ni Ms. Maggie Trinidad. Ito’y located sa Panay avenue sa likod ng Klownz Bar

“Ako iyong unang soloist dito, nagse-set din naman kasi ako sa The Crowd sa Mandaluyong. So ngayon, inaayos pa talaga iyong schedules dito sa Saddle’s Bar. Every Thursday ako, pero paiba-iba. Around 9 pm iyon, bale three sets, hanggang 1 am,” saad ni Zyruz na napapanood ngayon sa Doble Kara ng ABS CBN.

Ano ang priority mo ngayon, singing or acting? “Both, okay lang naman na pagsabayin. Kasi, ang singing ay naa-adjust ko. Halimbawa, sa schedule ko rito sa Saddle’s Bar or sa The Crowd, naa-adjust ko siya. Kung may taping naman ako, puwede akong magpaalam dito.”

Si Zyruz ay nagbida na sa indie films na tulad ng Seksing Masahista, The Road to Ampatuan, Tagsibol, Pakawala at Dahon na isang short film mula sa Hero Foundation.

Si Ms. Maggie naman ay kumanta rati sa Malaysia, Singapore, Japan, at Korea mula 1992 hanggang 2010. Tapos ay nag-manage siya ng isang cafe sa Kuala Lumpur.  Nagkuwento siya ukol sa Saddle’s Bar.

“Mga two months na itong Saddle’s Bar, isa itong bar at grill and steak house. All around bar din siya, puwede sa mga youngsters, middle age, lahat puwede. Hindi kami tulad ng iba na masyadong maingay, kaya makikita mo ang customers namin na mix and mag-i-enjoy talaga ang mga customer namin dito.

“Hindi lang sa pulutan at beer sila mag-i-enjoy dito, ang mga steak namin dito ay imported, galing Switzerland at Australia. Ang best seller dito ay buttered chicken at tilapia, bukod pa sa imported steak namin. P248 ang one bucket ng local beers, may kasama nang pulutan iyon. Ang mga pulutan dito sa Saddle’s Bar, may French fries, sisig, sitsaron, at iba pa.

“Araw- araw may banda rito, weekdays at may soloist din. Ang banda ay NSA Band, Cascade, Merge Band… ang soloist ko ay si Chito, she’s a female guitarist.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …