Friday , June 21 2024

Mayor Roque, aminadong ambisyoso

HINDI showbiz si Pandi, Bulacan mayor Enrico Roque kaya naman may hesitation siyang sagutin kung sino ang mga naging crush niya sa showbiz.

“Dati si Kristine Hermosa ngayo si Angel Locsin. Alam naman nila ‘yan,” say ni Mayor Enrico nang makausap namin sa Casa Grande office niya na ilang hakbang lang sa Amana Waterpark Resort.

Aminado si Mayor Enrico na malaki ang naitulong ng Amana para makilala ang Pandi, Bulacan.

“Nagsimula iyon with 7 hectares. Nag-ground-breaking kami noong August 8, 2008. Actually, iyon ang isa sa pinakamaganda na turning point dito sa bayan  ng Pandi kasi kapag sinasabi ko na parating na ang kaunlaran sa bayang ito lahat ng tao nagtataas ng kilay, ‘si mayor ambisyoso’. Normal lang naman ‘yun, eh.  Kung hindi ba naman ako ambisyoso, biruin mo palayan ‘yun at bulubundukin dati pero ngayon resort na, ‘di ba?” paliwanag ni Mayor Enrico.

Ang dating seven hectares na Amana Waterpark Resort ay 15 hectares na ngayon. Sa aming paglilibot nakakita pa kami ng tatlong ostrich na kinagigiliwan ng mga tao.

Noong una, clueless si Mayor Enrico  kung ano ang  ipapangalan niya sa resort.

“One time nanonood ako ng series sa channel 2, basta adaptation iyon ng isang Koreanovela. Basta ano ‘yun, eh, parang kauna-unahang serye nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Mayroong resort na pag-aari roon ng bida, Amana ‘yung pangalan. Nagustuhan naman nila (investors). Sabi nila siguro ‘yan pamana, ama at ina dahil mapagmahal ako sa nanay ko at ama. Isang lugar din ‘yan sa Bible na nagsu-supply ng malinis na tubig sa isang community,” chika ni Mayor Enrico na muling tumatakbo sa pagkamayor ng Pandi. Last term na niya ngayong election.

According to Mayor Enrico, known pala ang Pandi, Bulacan sa paggawa ng Barong Tagalog.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *