Thursday , June 13 2024

Matteo, nagbababad sa condo ni Sarah

00 fact sheet reggeeNAGTATAKA ang kampo ni Sarah Geronimo kung saan nanggagaling ang mga balita tulad sa nagsasariling manirahan sa condo ang singer/actress.

“Nakakapagtaka kung saan nanggagaling ‘yung may condo na siya (Sarah), feeling nga namin galing lahat ‘yan sa kampo ni Matteo (Guidicelli), kasi ‘di ba, bawat lakad nila, lahat ng nangyayari like birthday or nag-date, galing mismo sa camp niya, eh,” sabi sa amin.

Sabi namin na hindi maiiwasang walang mag-post lalo na kung mga fan nina Sarah at Matt ang nakakita at hindi naman maiiwasang hindi maglabasan sa social media dahil natutuwa sila kaya ipino-post kaagad at para malaman din ng iba pang kasamahan nila.

Hindi ito type ng kampo ng aktres na sa bawat kibot ay naipo-post na sa social media o kaya ay nasusulat na.

Sa isyung nagbababad sa condo ng dalaga si Matteo, ”I’m sure naman, hindi naman papayag si Sarah sa alam mo na, hindi ganoon ang takbo ng utak niyon. At sa tingin ko rin kay Matteo hindi rin siya ganoon na mag-take advantage,”pahayag ng kampo ng dalaga.

Katwiran namin, ”if ever naman na may mangyari, hindi naman din mabubuntis si Sarah dahil alam niyang pangalagaan ang sarili niya.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kapuso Fans Day Independence

Kapuso stars lilibutin ang ‘Pinas sa Araw ng Kalayaan

RATED Rni Rommel Gonzales TIYAK na memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Alden Richards Miss Universe MUPH

Alden ‘di raw pwedeng maging voice talent ng Waze

HATAWANni Ed de Leon NATAWA kami sa isang video sa social media. Hindi raw dapat …

Richard Gomez Lucy Torres

Richard nawala nga ba kagwapuhan at ningning nang pumasok sa politika?

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin ng comment ng dating kasamahang si Ronald Carballo na …

The EDDYS

7th EDDYS sa July 7 na; delayed telecast sa ALLTV sa July 14

MAS maningning at kaabang-abang ang The 7th EDDYS awards night ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *