Friday , May 10 2024

Grace Poe at Bongbong Marcos, manok ni Nora Aunor sa eleksiyon

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ng Superstar na si Nora Aunor na sina Senators Grace Poe at Bongbong Marcos ang kanyang susuportahang kandidato bilang President at Vice President respectively, sa gaganaping eleksiyon sa darating na Mayo 2016.

Ayong sa award winning actress, naniniwala raw siya na si Senator Grace ay magiging mabuting lider.

“Sobra ang paniniwala ko sa kanya na magiging mabuti siyang lider ng ating bayan. Noon pa, malaki na ang paniniwala ko sa kanya talaga.

“Siya lang talaga ang makatutulong sa taong bayan, sa problema natin na napakatagal na panahon.Uhaw na rin tayo sa magiging lider na tama ang pamamalakad, e. Sa palagay ko, tamang-tama si Senator Grace Poe,” saad ni Ms Nora sa ginanap na presscon para sa kanyang forthcoming movie na Whistleblower na showing na sa April 6.

Sa pagka-Bise Presidente naman, ipinaliwanag ng Superstar kung bakit si Senator Bongbong ang kanyang napili.

“Nakilala ko rin naman kasi ang pamilyang Marcos noong araw at naging malapit din ako kay Imee Marcos. Kaya kahit paano nakilala ko na rin sila, mabait silang tao. Kaya minsan, noong araw na napag-initan ako ng mga tao – hindi pa rin ako tatalikod doon kasi naging mabait naman sa akin si President Marcos noong araw.

“Noong may problema ako sa BIR, na sinisingil ako ng two and a half million pesos, tapos wala akong magawa. Kinausap ko siya at sinabi niya sa akin na pumunta ka sa ganito, ‘Sabihin mo na nakausap mo ako, aayusin nila ‘yung problema mo kung ano iyon.’ Naayos naman po sa loob ng isang linggo.”

Si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang producer ng classic movie na Himala noong 1982 na pinagbidahan ni Nora. Siya rin ang nagpatayo ng rebulto nina Nora  at ng namayapang Da King na si Fernando Poe Jr. sa Ilocos Norte dahil doon ginawa ng Himala at angPanday movies ni FPJ.

Pahapyaw din sinabi ni Guy kung bakit ayaw niya sa kandidatong Bise Presidente na taga-Bicol na katulad niya. “Bicolano na po ako, e, kaya kilala ko na po sa sarili ko.”

Nabanggit din ni Ms. Nora na sa gagawing reunion ng Noranians, iimbitahan nila si Senator Poe para raw makilala siya ng Noranians. Naniniwala rin daw si Guy na malaki ang maitutulong ni Sen. Grace sa showbiz industry.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Alden Richards Kathden

KathDen nanood ng sine, more than friends na nga ba?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HMMM, sa patuloy na kumakalat namang balita tungkol sa panonood ng …

Bato dela Rosa Jonathan Morales Maricel Soriano

Maricel dumalo sa Senate hearing ukol sa ‘PDEA leak’

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UMAPIR na sa Senado si Maricel Soriano kahapon, Martes, May 7, sa Senate …

Jessa Zaragoza Jayda

Jessa sa sinoplang basher: maglalaba habang naka-gown

I-FLEXni Jun Nardo PATOLA rin si Jessa Zaragosa sa isang netizen-basher niya sa nakaraang post na naghuhugas …

Blind Item, Male Celebrity

Male starlet ginawang babae ni Japanese friend, isang linggong ‘di makaupo 

ni Ed de Leon NAAWA naman kami sa isang male starlet. Kailangang-kailangan niya ng pera at nasabi …

Francine Diaz Orange and Lemons

Pagpapasingit kay Francine maling-mali 

HATAWANni Ed de Leon MABILIS ang damage control na ginawa ng ABS-CBN sa naging kontrobersiya ni Francine Diaz laban …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *