Wednesday , December 11 2024

Liza Soberano at VP candidate Bongbong Marcos may secret affair?

KALAT ngayon sa social media ang dalawang beses na pagkikita umano ng star ng “Dolce Amore” na si Liza Soberano at VP candidate na si Sen. Bongbong Marcos.

Naglabasan na rin sa ilang tabloid ang closeness ng dalawa na nakita raw kamakailan na sabay kumain sa isang Japanese resto sa San Lorenzo Village, Makati.

At sa isyung ito, iba-ibang komento ang na-ririnig, may nagsasabing baka kinakausap lang ni Sen. Bongbong si Liza at kinukuhang endorser ang magandang Kapamilya actress.

Sabi ‘e, masyadong faithfull ang nasabing politiko sa kanyang misis na abogada na incidentally ay Liza rin ang pangalan at mayroon silang dalawang anak kaya malabong manligaw raw kay Liza. Well daig pa nga ng politics ang showbiz pagdating sa mga ganyang rumors kaya baka isa ito sa rason kung bakit iniuugnay ngayon ng showbiz writers at bloggers si Bongbong sa alaga ni Mama Ogie Diaz.

By the way, paganda nang paganda ang ratings ng Dolce Amore lalo’t nasa Filipinas na ang ka-love triangle nina Tenten (Enrique Gil) at Serena (Liza) sa istorya na si Gian Carlo de Luca (Matteo Guidicelli).

Urong-sulong kasi ang diskarte ni Tenten, kaya si Sese naman, kahit may nararamdaman sa kababata ay nag-iisip na kung itutuloy ang pagpapakasal kay Gian Carlo.

Dito na lang ba magwawakas ang love story ng dalawa sa “Dolce Amore” na nagpapa-inlove at nagpapakilig ng inyong gabi sa ABS CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang nasabing romantic comedy TV series ay mula sa direksyon ng tatlo sa pinakamahuhusay na Kapamilya directors na sina Mae Cruz-

Alviar, Cathy Garcia-Molina at Richard I. Arellano.

Love to watch this weeknights gyud!

USONG-USONG RIDING IN TANDEM, BAGONG MAKABABANGGA NINA COCO AT MAJA SA “FPJ’S ANG PROBINSYANO”

Kaya hindi nakauumay panoorin ang number action-drama series ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano,” na balita namin ay aabutin pa hanggang Disyembre sa ere.

Kasi naman bukod sa makabuluhang tema nito na naglalarawan sa buhay ng mga pulis laban sa masasamang elemento ay lagi pang may bagong inihahaing pasabog na istorya sa serye na kapupulutan ng aral at nakai-excite sa bawat manonood.

Sa kanilang latest episode, matapos mailigtas ni Cardo ang pamangkin na si Junior (Lei Andrei Navarro) at SPO1 Glen (Maja Salvador) sa kamay ng doktor ng kamatayan na si Doc Ivan (Eric Quizon) na may koneksiyon sa sindikatong nandurukot ng mga bata at ibinebenta nang malaking halaga ang internal organs sa mayayamang naghahanap ng donor, na pinamumunuan ng daddy ni P/Insp. Joaquin (Arjo Atayde) na si Papa Toms (Albert Martinez).

Samantala dahil sa pangako ni Joaquin, na magbabago na siya sa kanyang pakikitungo kay Junior ay nagdesisyon si Carmen (Bela Padilla) na bumalik na sila ng anak kay Joaquin at sa pamilya nito. Pero hindi na papayag si Cardo na maulit ang nangyari kay Junior kaya’t pinagsabihan niya si Joaquin na ingatan ang kanyang mag-ina.

Sa episode naman ngayong Linggo at sa mga susunod pang mga araw, ang talamak na riding in tandem ang makasasagupa nina Cardo at Glen. At si Alex Medina ang isa sa gaganap sa karakter na makakalaban ni Cardo. ‘Yan dapat ninyong abangan sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na mapanonood sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol.

MGA NAGWAGI SA EAT BULAGA’S LENTEN SPECIAL FACEBOOK PROMO

Pawang positive ang review sa limang iba’t ibang kuwento ng buhay na napanood sa Eat Bulaga’s Lenten Special. Hindi lang ang acting ng lahat ng EB Dabarkads, na nagsiganap rito ang pinuri ng critics kundi ang buod ng kuwento ng bawat episode mula Holy Monday hanggang Holy Wednesday na nakapagbigay aral sa televiewers. Bilang pasasalamat ng Eat Bulaga, sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang Lenten Special ngayong taon ay namigay sila ng papremyo sa kanilang Facebook Promo at naririto ang ilan sa maraming nagwagi. Para sa Holy Monday winner sa episode na “Dalangin ng Ama” narito ang dalawang winners ng P5,000 cash at sila ay sina Maribeth Gayon Plaza Verana at Reforma Baylon Ronalyn. Kabilang sa 10 winners ng P1,000 cellphone load ang mga sumusunod: Dharlyn Cogay, Corazon Tablan, Jefferson Porto, Feliza Jaojoco, Joei Montiero, Marietta Cardos Bernal, Mhy Aldaba Sison, Raquel Mapoy Montemayor, An Na Lyn, Arlene Caya.

Sina Zednamreh Yrrej, Theeyeana Deligero Daquil, Ann dela Cruz, Jeniros Reyes, Bevs Valencia, Jocelyn Ranoco Cabinbin, Liza Carlos at Alma Yajabe naman ang mga nanalo ng 2 pcs (each) na EB personalized shirt at Dabarkads pass for 5 persons na puwedeng panoorin nang live ang Bulaga sa Broadway Studio. Lahat ng prizes na nabanggit ay napanalunan

ng mga sumali sa episode na “Kaputol ng Buhay” at “Walang Kapalit” at “God Gave Me You” ng phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza plus Jake Ejercito.

Sa lahat ng winners, para makuha ang premyo mag-email lang sa [email protected] ng inyong complete name at contact details.

VONGGANG CIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *