Wednesday , June 26 2024

Himig Handog 2016 Finals Night, sa Abril 24 na!

00 SHOWBIZ ms mLABINLIMANG awitin ang napili mula sa mahigit 6,000 entries na lumahok saHimig Handog P-Pop Love Songs 2016. Tulad noong isang taon, tiyak na mahigpit na naman ang magiging labanan dahil hindi lang 15 magagaling na kompositor ang nag-aagawan para maging grand prize winner, kundi marami rin sa mga interpreter ang tiyak na magpapatalbugan.

Magaganap na ang pinakaaabangang finals night ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2016, pinakamalaking worldwide OPM songwriting competition, sa Kia Theather sa Abril 24 (Linggo). Pangungunahan ito ng hosts na sina Robi Domingo, Enrique Gil, Liza Soberano, at Kathryn Bernardo at may special performances mula kay Daniel Padila at iba pang surprise guests.

Ang 15 awitin ay kinabibilangan ng duet nina Kyla at Kris Lawrence saMonumento na komposisyon ni Jungee Marcelo; Angeline Quinto at Michael Pangilinan sa Parang Tayo Pero Hindi ni Marlon Barnuevo; KZ Tandingan atJay-R sa Laban Pa ni David Dimaguila; Janella Salvador at Marlo Mortel saMananatili ni Francis Louis Salazar; at Bailey May at Ylona Garcia sa O Pag-ibig nina Honlani Rabe at Jack Rufo.

Kabilang din sa finalists si Barbie Almalbis para sa Ambon ni Nica Del Rosario;Nyoy Volante para sa Patay na si Uto ni Oliver Narag; Itchyworms para saDalawang Letra ni Davey Langit; Kaye Cal para sa Nyebe ni Aries Sales; Morissette para sa Diamante ni Jungee Marcelo; Juris para sa Bibitawan Ka niHazel Faith Dela Cruz; Klarisse De Guzman para sa Sana’y Tumibok Muli niJose Joel Mendoza; Jona para sa Maghihintay Ako ni Dante Bantatua; Daryl Ong para sa Minamahal Pa Rin Ako ni Rolando Azor; at Jolina Magdangalpara sa Tama Lang nina Agatha at Melvin Morallos.

Kagaya sa mga nakaraang Himig Handog, magwawagi ng P1-M ang grand prize winner, samantalang P500,000 naman ang mapupunta sa 2nd Best Song. Magkakamit naman ng P200,000, P150,000, at P100,000 ang composers ng 3rd, 4th, at 5th Best Songs.

Samantala, maaari ring suportahan ng fans ang favorite song entries at interpreters nila sa pamamagitan ng pagboto sa iba’t ibang special awards categories. Bumoto sa MOR 101.9 para sa MOR’s Choice sa pamamagitan ng pag-text ng MORHHSONG <1 to 15> at i-send sa 2366 para sa lahat ng networks. Mayroon ding Onemusic.ph Favorite Interpreter na maaaring iboto sa pamamagitan ng pagboto sa onemusic.ph. Para naman sa Star Music Listeners Choice, bumili lang ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 album, piliin ang gustong kanta sa voting coupon na nakalakip sa album, at ihulog sa drop box sa record outlet na pinagbilhan.

Bukod pa sa album na nagkakahalagang P299, tampok din ang top 15 songs sa mga music video na nilikha ng mga estudyante ng ilan sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa, kabilang na ang Ateneo De Manila University, University of Sto. Tomas, University of the East, Far Eastern University, PUP Manila, Mapua Institute of Technology, College of St. Benilde, San Sebastian College-Recoletos, Miriam College, San Beda College Alabang, St. Paul University Manila, Meridian International College, Asia Pacific College, Asia Pacific Film Institute, at iAcademy.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Poging BL Star nalaglagan ng poppers at lubricant habang pinagkakaguluhan ng mga faney

ni Ed de Leon IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon …

Blind Item, Men

Young Male Star madalas sa orgynuman, fave imbitahan sa secret gay parties

ni Ed de Leon NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young …

Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala …

KDLex KD Estrada Alexa Ilacad

KDLex marami pang proyektong kaabang-abang

HOTTEST Musical Pair ang taguri ngayon kina KD Estrada at Alexa Ilacad o mas kilala sa kanilang tambalang KDLex. Mula …

Kathryn Bernardo Barbie Forteza David Licauco

Barbie sa pagkokompara kay Kathryn—big honor for me, sana makatrabaho ko siya

GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *