MASAYANG-MASAYA si Ken Chan dahil mula umpisa hanggang matapos ang kanyang serye noong Friday ay mataas ang nakuhang ratings. Trending nga sa social media ang katatapos na serye nito.
Sa totoo lang, malaki ang naitulong ng serye kay Ken. Dahil dito ay bigla siyang sumikat, dumami ang kanyang mga raket. Kabi-kabila ang kanyang mga personal appearance.
Pero after ng serye, ano naman kaya ang susunod na project ni Ken sa Kapuso Network? Sana ay masundan ang pagbibida niya sa serye dahil napatunayan niya naman na kaya niyang magdala ng isang show.
Pero kung hindi man siya mabibigyan ulit ng serye na siya ang pangunahing bida, sana kahit man lang isa siya sa mga bida o leading man ng bidang babae. Hindi niya na deserve na mapasama sa isang serye na one of those lang siya, sa totoo lang.
MA at PA – Rommel Placente