Monday , December 9 2024

Halikan nina Maine at Alden sa EB, marami ang nabastusan (Nasaan na ang magandang values?)

AGAD na sinagot ni Pastillas Girl ang rant ni Maine Mendoza. Last Saturday kasi ay nagsalita si Maine tungkol sa mga detractor niya.

“Message ko lang sa inyo ay God bless. Ano kasi, alam n’yo naman na walang maganda o mabuting maidudulot ‘yong ginagawa n’yo pero ginagawa n’yo pa rin.

“Sana imbes na maghanap kayo ng mali sa amin, ng kapintasan sa amin, eh, sana humarap din muna kayo sa salamin. Kasi pare-pareho tayo na hindi tayo perpekto. Lahat tayo nagkakamali.

“Hindi ako Diyos pero sigurado ako at sinasabi ko sa inyo, kung anuman ‘yong hindi n’yo magandang ginagawa sa kapwa ninyo, babalik din sa inyo,” say ni Maine.

Sa kanyang Twitter account, ito naman ang ganting sagot ni Angelica Yap, ”You seek respect pero kapag ibang artista ang binabash ng mga fan mo okay lang sa yo? Sows. Welcome to the real world now.”

Tinira si Maine sa social media.

“DEAR MAINE MENDOZA, Pinasok mo ang showbiz kaya dapat nag-expect ka na magkaroon ka talaga ng bashers. Kaya nga public figure nga di ba? You can’t impress everyone! Eh ngayon, kung ayaw mo pala mahanapan ng mali o ma-bash ng mga tao, eh sana before mo pinasukan ang showbiz, pinaghandaan mo muna iyang sarili mo! Sumali ka muna ng workshops para malaman mong may talent ka ba talaga maibubuga kasi sa showbiz, laos ang mga walang talent lalo na iyong hindi marunong mag-act! Hindi iyong puro ka lang dubsmash! At tiyak, pinaghandaan mo rin sana iyang pagmumukha mo, kung ayaw mong ma-bash, sana iretoke mo muna iyang bunganga mo di ba? Maine, again, normal lang sa showbiz ang laitin ang mga artistang may flaws kasi PUBLIC FIGURE ka na! Eh sana pinaghandaan mo muna iyang sarili mo o ang taas siguro ng expectation mo na ma-impress mo ang lahat ng tao sa showbiz kaya face your consequence. Tsk! Nakakatawa tong si Maine,” said one guy.

“Ok… Pero iba kasi ang dating ng sinabi ni Meng… Oo, di sya perpekto, oo, di sya Diyos… Pero nakalimutan na ba nyang sabihan yung mismong mga fan nya na brutal kung mambully sa kahit anong post ng ABS?! And she’s begging for respect?! Wow, deserve nya ang ganyang treatment ng REAL FANS, kasi wala pa syang napapatunayan, anlaki na ng ulo nya! Dapat nga pag artista sya, expect that there are bashers and people who really hate her, and sa sinabi nyang yan, parang pinatulan na rin nya mga basher nya, and that is not good at all!!!” say naman ng isa pa.

“I understand Pastillas Girl… Hanggang sa kamatayan kasi ng Mom ni Pastillas Girl, binabash pa din siya ng mga Aldogs. Pero wala kayong narinig sa kanya,” say naman ng isang kampi kay Angelica.

Nagtuturo ng magandang values ang kalyeserye ng Eat! Bulaga pero lately ay parang nabastusan na ang ilang viewers dahil sa halikan nina Maine at Alden Richards. Hindi pa man sila magdyowa ay naghalikan na sila sa TV.

Maraming kiyaw-kiyaw ang AlDub noon kay Pastillas Girl dahil ibinubugaw daw ito. But with what’s happening now between Maine and Alden, hindi ba mas cheap ito?

“Haha akala ko ba dalagang pilipina pinoportray nila ano na nagyayare ngayon haha. Tapos sa national tv pa nagkiss hindi pa nga sila haha. Ayan ba dapat mapanuod ng mga bata haha.”

“Susmaryosep!! Wala na ba talagang ibang paraan para tumaas ang ratings nyo?? Yan ba ang magandang asal na tinuturo nung tatlong bruha?? Bwaahahaha.”

“xempre kelangan ng ratings kya ngpanakaw na ng halik ung KORSERBATIBANG BABAE..ggawin lhat pra za ratings..kawawa.”

Ilan lang ‘yan sa mga comment na aming nabasa sa social media.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Rufa Mae Quinto Boy Abunda

Rufa Mae iginiit ‘di nanghingi ng pera; Kuya Boy naalarma para sa alaga

MA at PAni Rommel Placente NAGLABAS ng official statement si Rufa Mae Quinto hinggil sa ibinabatong akusasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *